DongYan, rarampa sa Milan Fashion Week!

Dingdong Dantes at Marian Rivera

Kasama ni Marian Rivera ang asawang si Dingdong Dantes na lumipad sa Milan, Italy para dumalo sa Milan Fashion Week sa imbitasyon ng Kiko Milano na kanyang ini-endorse. Ang Kiko Milano ay isang Italian cosmetics brand at siya nga ang brand ambassador sa bansa.

Rarampa ang mag-asawa sa MFW at siguro naman, hindi papayag ang team ni Marian na hindi siya mangabog. Kaya, abangan na lang natin ang mga post niya ng kanyang OOTD sa mga dadaluhang fashion shows.

Binigyan ng  welcome dinner sina Marian at Dingdong ng CEO ng Kiko Milano na si Simone Dominici. Na-congratulate raw si Ma­rian ng CEO dahil malaki ang naitulong ng aktres para makilala ng mga Pilipino ang Kiko Milano.

Samantala, bukod sa ipis, takot pala sa daga si Dingdong. Pati kami natawa sa napanood naming reels kung saan napaigtad at napasigaw siya nang malakas nang makitang may daga sa tabi niya. Naging biktima siya ng playtime nina Marian at mga anak na sina Zia at Sixto at hindi alam, nilagyan ng laruang daga ang tabi niya.

Si Marian ang nagtanong kay Dingdong kung ano ang nasa tabi niya? Nang tingnan ni Dingdong, may daga sa tabi niya. In the end, natawa na lang siya lalo’t nakita ang malakas na tawa ng mga anak na nag-enjoy sa pagpe-playtime sa kanya.

That’s stars, may reunion!

Magkakasama sa MAKA ang mga taga-That’s Entertainment na sina Sharmaine Arnaiz, Romnick Sarmenta, Jojo Alejar, Maricar de Mesa at Tina Paner. Kaya ang biruan, may reunion ng mga taga-TE sa bagong youth-oriented series ng GMA 7.

Sa mediacon, ang ganda ng na-share ng apat (wala si Jojo) ng experience nila habang nasa show sila ni the German Moreno na sana, pinakinggan ng young cast. Marami silang nakuhang info na makakatulong sa kanila at kung may time sila Zephanie and the rest of the cast ng MAKA, kausapin nila sila Tina at magpakuwento sa experiences nila. Ang dami nilang matututunan.

Tingnan n’yo naman, hanggang ngayon, nasa showbiz pa rin ang grupo nila, kinukuha pa rin sila ng mga producer at network and they always deliver. Sabi nga nga ni Romnick, wala pa silang workshop noon at ang workshop nila ay live sa TE. Sinanay sila ni Kuya Germs sa singing, dancing, acting, hosting at iba pang dapat nilang malaman.

Inalala rin ni Romnick na isa si Sharmaine sa mga aktres na pinagselosan at inaway ng fans nila ni Sheryl Cruz. Hindi raw online ang bardagulan that time dahil harapan ang awayan ng fans.

Anyway, sa Sabado na, Sept. 21, 4:45 p.m. ang premiere ng MAKA sa GMA 7, sa direction ni Rod Marmol. Sabi ni direk Rod, masuwerte siya sa kanyang cast na pawang magagaling at mabubuting mga bata.

Show comments