^

Pang Movies

ShaGab, pinagbigyan ang fans

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
ShaGab, pinagbigyan ang fans
Sharon Cuneta at Gabby Concepcion

Magbubunyi ang OG Sharon Cuneta at Gabby Concepcion fanatics dahil wala nang urungan ang USA-Canada Dear Heart Tour 2024 nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion na handog ng NY Entourage Productions. Tuloy na tuloy ang concert umulan man ng snow o bumagyo!

Non-stop kasi ang clamor ng fans sa ibang bansa sa concert ng former loveteam/couple nang unang gawin ang concert sa bansa. Kaya naman nang maayos ang schedules nina Sharon at Gabby, heto na ang listahan ng tour na ayon sa producer na si Nancy Yang eh maaaring madagdagan pa.

Sa Oct. 26 ang kick off sa Farrah’s Resort, Southern California. Susundan ito sa Oct. 27 sa Saban Theater sa Beverly Hills, California.

Ang next stop ay sa The Meeting House sa sa Canada on Nov. 2 at sa Nov. 15 naman ay sa The Venue, Thunder Valley Casino Resort ang place. Sa Nov. 17 naman ay sa West Gate Las Vegas Resort and Casino, Las Vegas habang sa Nov. 21 ay sa Club Regents Events Centre sa Winniepag, Canada.

Ang last two tops ng Dear Heart ay sa Nov. 23 sa Hawaii Covention Center sa Honolulu, USA at sa Nov. 29 ay sa Chando’s Pattison Auditorium, Vancouver.

Ayon kay Gabby nang ma-interview ng media, may changes sa ilang songs pero matutuwa ang manonood dahil regalo rin nila ni Sharon sa fans ang concert dahil malapit na ang Christmas!

Maka, magkukulitan na

Masasaksihan na ang makukulit pero masasayang tropahan ng Sparkle Teens sa bagong show nilang MAKA na mapapanood simula ngayong Sept. 21, 4:45 p.m.

Naku, magaling sa youth oriented shows ang GMA Network at patunay riyan ang classic na T.G.I.S. na nagpasikat ng ilan nating artista ngayon.

Sa MAKA, tampok ang Sparkle stars na sina Zephanie, Ashley Sarmiento, Marco Masa, Olive May, John Clifford, Dylan Menor, Chanty, Sean Lucas, at Mary Ann Basa.

Swak na swak ang series sa Gen-Zs at iba pang generations dahil kasama rin sa MAKA sina Romnick Sarmenta, Sharmaine Arnaiz, Tina Paner, Maricar de Mesa at Carmen Soriano.

Kuwento ito ng high school students na enrolled sa Arts & Performance Section sa Douglas MacArthur High School. Mula ito sa direksyon ni Rod Marmol.

SHARON CUNETA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with