^

Pang Movies

James, walang imik sa paglayas ni Liza

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
James, walang imik sa paglayas ni Liza
James

Walang paliwanag ang Careless Music and Management ni James Reid kung ano ang dahilan at wala na sa kanilang pangangalaga ang Fil-Am singer-actress na si Liza Soberano who is now using her real name na Hope Soberano in Hollywood.

In fairness kay James, siya ang nagbukas ng pintuan sa international entertainment gate para kay Liza but after only almost two years matapos na ‘lumayas’ kay Ogie Diaz na siyang nangalaga sa kanyang career when she was still a nobody.

May sarili sigurong dahilan si Liza kung bakit ito kumalas sa pangangalaga ng Careless Music & Management lalupa’t pumirma na umano ito sa isang agent in the US.

In fairness kay James, mas nag-focus ito sa career ni Liza kesa sa sarili niyang career.

Samantala, ano na kaya ang status ng relasyon ng (dating?) magkasintahang Liza at Enrique Gil?

Wala na umanong balak si Liza na balikan ang kanyang showbiz career sa Pilipinas dahil mas gusto na niyang pagtuunan ng pansin ang kanyang career sa Hollywood.

Kris, wala pang planong bumalik sa showbiz

One-year-old na ang first baby ng mag-asawang Kris Bernal at Perry Choi na si Hailee Lucca at ito’y sini-celebrate sa pamamagitan ng isang arcade-themed birthday party na ginanap sa Marquis Events Place in Taguig City.

Si Hailee Lucca ang dahilan kung bakit hindi pa binabalikan ni Kris ang kanyang showbiz career dahil gusto niyang present siya sa bawat malahagang milestone ng kanilang baby ni Perry.

Lea, lumebel sa world leaders

Alam mo, Salve A., sobrang nakaka-proud na isa na namang kilalang global Filipino personality ang binigyan ng pagkilala by including her replica on wax sa dinarayong Madame Tussauds museum, this time in Singapore, ang tinaguriang Broadway Diva, si Lea Salonga.

First it was boxing hero Manny Pacquiao na sinundan ng dalawang Miss Universe na sina Pia Wurtzbach (2015) at Catriona Gray (2018) at pang-apat naman ang Tony and Laurence Olivier award-winning actress bilang pagkilala sa kanyang international achievements.

Ang wax replica ni Lea will be on dislay permanently sa Madame Tussauds Singapore in Sentosa simula ngayong Sept. 20, 2024.

Mapapasama ang wax replica ni Lea sa music icons tulad nina Elvis Presley, Michael Jackson, Beyonce, Madonna, Lady Gaga, Taylor Swift, Ariana Grance, Harry Styles at marami pang iba.

Inamin ni Lea na kahit kelan ay hindi umano niya pinangarap na magkaroon ng sariling wax image sa Madam Tussauds Museum in Singapore na dinarayo ng mga turista mula isa iba’t ibang bansa.

vuukle comment

JAMES REID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with