Bag business ni Kim, laging sold-out!

Kim

Idinaan ni Kim Chiu sa Instagram Stories ang balita at pasasalamat na nag-sold out ang ibang new design ng kanyang bag na tinawag niyang Little Bunny. Kaa-announce lang ni Kim na dumating ang newest collection featu­ring fresh designs and yummy colors, tapos nag-sold out kaagad ang ibang design.

Nakakaloka dahil may nag-order ng 10 bags at may mga gustong bumili, kaya lang, nasa ibang bansa raw sila. Ang iba naman, nasa probinsya. Kapag nagkaroon ng physical store si Kim o kahit pop-up store muna, siguradong mas mabilis mag-sold out ang bags na kanyang ibinebenta.

Alden, isasama si Kathryn sa kanyang hometown!

Mas dumami ang nagkainteres na mapanood ang Hello, Love Again movie nina Alden Ri­chards at Kathryn Bernardo dahil sa inilabas ng Star Cinema na short teaser nito.

Short teaser lang ‘yun at ipinakita ang muling pagkikita nina Joy (Kathryn) at Ethan (Alden), pero sapat na para madoble ang pagkakagulo ng fans. Ang iba ngang hindi pa nakabibili ng advance ticket para sa Nov. 13, 2024 biglang napabili.

Magsisimula na rin ang promo nito sa Oct. 5, sa Nuvali, Santa Rosa, Laguna na hometown ni Alden. Ang promo nga ay “Alden Richards return to his hometown in Laguna, joined by Kathryn Bernardo.”

Sa nasabing first mall tour nila magaganap ang unveiling ng official movie poster.

Pelikulang moonglow ni Arjo, sa 2025 pa ang showing

Biniro si Director Isabel San­doval ng isa niyang kaibigan na sila ni Cong. Arjo Atayde ang bagong Kathryn Bernardo at Alden Richards dahil sa pelikula nilang Moonglow. Sa comment ng friend ni direk Isabel na “Ayan na sha!! Ang bagong Kathryn at Alden,” three laughing face emoji ang sagot ng director.

Sinundan pa ng comment na “kabahan na ang Star Magic,” na ikinatuwa naman ng mga nakabasa. Of course, iba ang tema ng Moonglow at nabanggit ni direk Isabel na inspired ang movie nila ni Arjo ng mga pelikulang Casablanca at In A Lonely Place.

Ipinalabas ang short teaser ng Moonglow sa Thanksgiving at Christmas Party ni Arjo sa press at pumalakpak ang mga present sa event sa ganda ng teaser.

Intriguing plot, kaya marami ang gusto nang mapanood ang pelikula. Kaya lang, sa 2025 pa ang release nito at hindi pa nga in-announce ang exact playdate. Isa na naman itong pelikula ni Arjo na kanyang ipagmamalaki at baka nga, manalo uli siya ng award o kung hindi man, ma-nominate man lang siya.

Show comments