Mukhang ililipat nga yata ng time slot ang programa ni Willie Revillame na Wil to Win. Mukhang mahirap talagang tapatan ang programa ni Dingdong Dantes na franchised ng isang sikat na game show, Family Feud.
Ang mga kasali sa laro sa show ni Dingdong ay celebrities din. Natural mas gusto iyong panoorin ng mga tao kaysa sa mga karaniwang taong contestant ni Willie na nangangailangan ng tulong.
Ok lang na ilipat siya ng time slot, ang mahalaga ay mapapanood pa rin siya sa free TV araw-araw at hindi sa internet lamang.
Nagkamali na siya ng diskarte nang bigla siyang umalis sa GMA, siguro naman ngayon ay natuto na siya.
Isko, nanawagan ng dasal kay Dr. Willie Ong
Nananawagan si Isko Moreno na ipagdasal daw ang kanyang kaibigan at naging running mate noong nakaraang eleksiyon na si Dr. Willie Ong.
Isipin mo si Doc Willie Ong na araw-araw ay nakikita mong nag-eendorso ng mga natuklasan niyang mga gamot sa kung anu-anong sakit, nagbibigay ng guarantee na kung ang gamot niya ay bibilhin gagaling ka sa loob ng dalawang linggo lang at ang mga gamot na nadiskubre niya ay binabayaran daw ng mga malalaking pharmaceutical companies sa America at Europa dahil mabilis ngang nakagagaling.
Isang espeytalista rin siya sa lahat ng klaseng sakit at nangungunang doktor sa Pilipinas, tapos natuklasang mayroon pala siyang Sarcoma, o abdominal cancer at ngayon ay hindi malaman kung magagamot pa iyon.
Marami rin kaming nabili sa kanya, iyong gatas na nakawawala raw ng diabetes matapos ang dalawang linggo, iyong pamahid na nakawawala ng rayuma, at nakagagamot ng neuropathy.
Maniniwala ka dahil may money back guarantee. Pero basta nagreklamo ka, hahanapan ka ng resibo.
Dalubhasa siyang cardiologist, endocrinologist. opthalmologist pa, at ang sabi totoo may gamot din siya sa cancer, kaya kung iiispin kayang-kaya niya iyan, iyon ay kung hindi fake news ang nasa Internet.
Kris, biglang nanahimik
Tahimik na nakabalik ng bansa si Kris Aquino.
Matagal din siyang nawala at siguro payo na rin ng kanyang doctor na ‘wag nang paingayin o salubungin ng media dahil sa kanyang kalagayan.
May sakit pa siya at kailangan muna niyang magpagaling.
Tutal marami na naman siyang pera, may boyfriend naman siyang doctor kaya siguro iba na ang ginagawa ni Kris.
Sabagay sabi naman niya ay lalaban siya para sa dalawang anak na sina Joshua at Bimby.
Sana nga ay gumaling si Kris na base sa kanilang medical history ay matagal magkasakit ang kanilang pamilya - sina Cory at PNoy.
Ngayon isipin ninyo si Kris, lahat ng pinaka-mahuhusay na espesyalista sa buong mundo natingnan na yata siya, baka kailangan ang higit na dasal.
Subukan kaya niyang mag-debosyon kay Padre Pio, baka sakali, ano ang malay ninyo?
ShaGab, naayos na ang problema?!
Tuloy na raw ang tour Dear Heart Concert pagkatapos ng matagumpay na staging noon sa Manila at Cebu?
Maalalang diumano’y nagkakaroon na nga sila isyu kaya’t hindi natuloy ang naunang plano.
Walang sinasabi si Gabby Concepcion tungkol sa pagkaudlot pero ang mukhang naapektuhan ay ang pamilya ni Sharon Cuneta.
Sa simula pa lang ay obvious na dahil sinabi ni Sharon na hindi manonood ng concert ang kanyang asawang si Kiko Pangilinan at sino man sa kanilang mga anak. Aminado siyang baka maging uneasy ang mga iyon sa concert.
But anyway, mukhang naayos na nga ‘yun kaya tuloy na ang tour ng dating sikat na loveteam nina Gabby and Sharon na ikatutuwa sigurado ng anak nilang si KC.