Walang effort ang female TV host na ito na kilalanin at alamin ang mga pangalan ng taong nakakatrabaho niya sa kanyang show.
Dinadaan na lang daw niya sa salitang “kuya” at “ate” ang pagtawag sa mga ito. Minsan daw ay nakaka-offend na ang ugali ni female TV host dahil sa tagal daw na nakasama niya ang staff ng show, ni isa ay hindi niya alam ang pangalan ng mga ito.
“Naku wala talagang effort ang taong ‘yan. May ganyang tao talaga na walang care kung alam niya name mo o hindi. May ID na nga kami, bakit di niya tingnan pangalan namin, di ba? No wonder walang may gusto sa kanya among the staff. Tsaka ayaw niya talagang makihalubilo. Feeling niya di siya dapat makipag-close sa hindi niya ka-level,” sey ng aming source.
At pagsapit ng Pasko, si female TV host lang daw ang hindi namamahagi ng regalo sa staff. Bigla na lang daw itong lilipad sa ibang bansa three days before Christmas at after New Year na siya babalik. At dedma siya na wala siyang regalo sa staff.
Kaya noong magkaroon ng post New Year party ang staff, hindi nila inimbitahan ang female TV host. Noong mabalitaan nito na nagkaroon pala ng party, bakit daw siya hindi tinawagan eh nandito na raw siya sa Pilipinas. Dedma raw ang staff sa tanong nito.
“Ganyan siya ka-hate ng staff kaya di siya invited. Bakit nga naman siya papapuntahin, eh di dedma siya sa amin. Kaya dedma kami sa kanya,” talak pa ng soource.
Miguel, handa na sa aksyon
Handa na si Miguel Tanfelix na sumabak sa mga maaksyong eksena para sa pagbibidahan nitong serye na Mga Batang Riles.
Pagkatapos ng martial arts training with veteran co-star Ronnie Ricketts, parkour o ang “sport of traversing environmental obstacles by running, climbing, or leaping efficiently” ang ginagawa ngayon ng Sparkle leading man.
Bilang si Kidlat, leader si Miguel ng isang grupo ng kabataan na lumaki sa tabi ng riles.
Co-stars niya rito sina Kokoy de Santos, Raheel Bhyria, Bruce Roeland, Antonio Vinzon, and Zephanie.