“Oo naman. The Clash, All-Out Sundays, and Asawa ng Asawa Ko. Right now, I’m doing a movie rin. Sobrang nakakatuwa po ‘yung blessings na dumarating sa amin, sa JulieVer. Yes, to answer your question, totoo naman po, nag-iipon naman po talaga ako para sa future naming dalawa. Wala naman akong isi-share ‘yung future ko kundi sa kanya lang,” pahayag ni Rayver Cruz pagkatapos ng media conference ng The Clash kung saan nga sila ni Julie Anne San Jose ang The Clash Masters.
Pero hindi talaga napilit ang actor / host kung kelan na ba siya nagbabalak na alukin ng kasal ang karelasyon.
“Syempre, kailangan ma-surprise siya. Kasi ‘pag sinabi ko ngayon, hindi siya masu-surprise. Pero alam naman niya, alam naman niya na siya ‘yung gusto ko makasama habang buhay,” pag-ulit pa nito.
Pero aniya wala pa sila sa point na meron na silang joint bank account.
“Wala pa naman pong ganun. Syempre, malaki po ‘yung respeto ko sa parents niya. First of all, ‘yung pinakaunang makakaalam ng lahat ng plano, kunwari hindi niya naririnig, syempre sila tito at tita (parents ni Julie Anne). Kaya naman, happy ‘yung lahat and ‘yung relationship namin kasi talagang napakabuti nila sa akin. So, very thankful ako sa parents ni Julie. Parang ako nagkaroon ng nanay at tatay rin. Bilang wala na ‘yung mga magulang ko. Very thankful ako sa kanila,” sabi pa ni Rayver.
Samantala, sa loob ng anim na taon, para na raw isang pamilya ang The Clash team na bukod sa kanila, mapapanood din sina Lani Misalucha, Ai Ai de las Alas at Christian Bautista bilang The Clash panel.
Nagsimula nang umere ang The Clash Season 6 sa Kapuso Network nitong Sabado, 7:15 p.m.