Emosyonal na ibinahagi ng dating komedyante na si Bearwin Meily ang madilim na pinagdaanan niya sa kaniyang buhay.
Binalikan niya ang kanyang maagang pagkalulong niya sa bisyo gaya ng drugs, sugal at pambabae.
Ayon sa kanya, bunga ng magulong pamilya na kaniyang pinagmulan, maaga rin siyang namulat sa mga ‘di magagandang gawain.
Kung ilalarawan aniya ang kaniyang buhay, hindi aniya ito naging madali para sa komedyante.
Mula sa pagkakalulong sa mga hindi magandang gawain, nagsimula siya na mabigyan ng break sa show business na masasabi rin niyang naging daan para ipagpatuloy pa niya ang mga bisyo. Pero sa kalaunan ay unti-unti na niyang nakikilala ang Panginoon.
Isa rin sa naging daan para tuluyan niya na iayos ang kaniyang buhay ay ang pagkamatay ng kaniyang ama noong 2008.
Hindi man naging madali para sa komedyante ang mga pinagdaanan, naniwala siya sa kaniyang pananalig na naging daan naman ngayon para ituloy niya ang kaniyang pangalawang buhay bilang isang aktibong pastor.
Dennis, ngayon lang ulit makakasama si Ruru
Ngayong paparating na Metro Manila Film Festival, mapapanood sa mga sinehan ang official entry ng GMA Pictures at GMA Public Affairs na Green Bones. Ang inspirational drama film ay pagbibidahan nina Action Hero Ruru Madrid at Drama King Dennis Trillo, na magbibigay-buhay sa kanilang mga karakter na tatalakay sa pag-asa, hustisya, at lakas ng loob para harapin ang mga pagsubok sa buhay.
Para kay Dennis, labis ang saya niya na makatrabaho sa isang pelikula si Ruru, na nakatrabaho na niya noong baguhan pa lamang.
Isang karangalan naman kay Ruru na makatrabaho ang isa sa kanyang mga iniidolo sa showbiz. Aniya, ang kanyang karanasan bilang artista ngayon ay mas mature na kumpara noong una silang magsama sa isang proyekto.
Ang Green Bones ay ididirehe ng award-winning director na si Zig Dulay.