MANILA, Philippines — Tinupad ni Belle Mariano ang pangako sa kanyang magulang na tapusin ang kanyang high school.
Kaya naman pinagmalaki niyang nagawa niya ito.
“Before entering the industry, I promised myself and my parents that I’d do my best to live the best of both worlds:pursuing my career and balancing it with school at the same time. Two years ago, I decided to continue pursuing my academics once again. I could say it wasn’t an easy journey—all the nights of staying up late, endless cups of coffee?, and trying to make it before the deadline. I finally made it!,” buong caption ni Belle sa kanyang post kahapon na naka-toga pa.
Sinaluduhan naman siya ng netizens na nagawa niya talagang mag-aral sa kabila ng kanyang hectic schedule.
Netizens, matiyagang pumila para kay Olivia
Sabog ang social media kahapon sa ticket selling ng concert ni Olivia Rodrigo sa Pilipinas na gaganapin sa Philippine Arena sa Oct. 5.
Ito ang kauna-unahang concert sa bansa ng Grammy-winning singer-songwriter sa 55,000-capacity Philippine Arena sa Bulacan.
Pero nawindang ang lahat nang inanunsyo noong Miyerkules ang Silver Star Show sa abot-kayang presyo ng tiket na 1,500 Philippine pesos ($27)na ang lahat ng kikitain ay mapupunta sa Fund 4 Good organization ni Olivia.
Pila-pila online ha pero as of this writing sold out na raw pero duda nila baka naman nasa mga scalper.