Nagtuturo na rin pala ngayon ng Jiu-Jitsu si Rocco Nacino sa kanyang sariling gym na matatagpuan sa Antipolo.
Nagkaroon din siya ng contract signing sa mixed martial arts promoter kamakailan at doon ibinahagi niya kung paano nagsimula ang pag-aaral niya ng martial arts disclipline noong nasa college pa lamang siya.
Pag-alala niya ay nagco-commute pa lamang daw siya noon pero bilang praning na tao ay sinabi niya sa sarili na kahit anong oras ay may maaaring may mangyari sa kanya at gusto niya itong paghandaan.
Noong una ay nag-aral daw siya ng Wing Chun, Muay Thai, Boxing, at Kali bago raw siya tuluyang na-in love sa Jiu-Jitsu.
Noong una raw ay nag-aral lang siya ng iba’t ibang klase ng fighting systems para maprotektahan ang sarili. Gusto lamang niyang maging maingat at maging ligtas sa kalye pero nagtuluy-tuloy ang training niya at proud na siya ngayon na isa na siyang third-degree brown belt sa Jiu-Jitsu.
‘Kaloka naman. Sana lang sinubukan ko ito nung kabataan ko. Hahaha. Joke lang siyempre.