Alam mo, Salve A., hindi na lamang TV and movie producer ang award-winning actress-producer na si Sylvia Sanchez (Jojo Campo-Atayde), ina ng magkakapatid na Arjo, Ria, Gela at Xavi Atayde at misis ng negosyanteng si Art Atayde kundi isa na rin siyang concert producer under her family-owned production outfit, ang Nathan Studios.
?Sa darating na Nov. 29, 2024, Friday at 8 p.m., Nathan Studios will mount their own production’s produced live concert featuring singer-songwriter, musician and actor na si Juan Karlos (JK) Labajo na pinamagatang Juan Karlos Live! na gaganapin sa MOA Arena.
?Ayon na rin sa actress-producer na si Sylvia, naka-out na umano sa market ang tickets to the concert.
Gerald, handa nang pakasal
?In our exclusive interview for TicTALK with Aster Amoyo with singer, songwriter, theater and TV actor na si Gerald Santos, pinabulaanan nito na gusto lamang umano niyang makisawsaw sa kontrobersiyang kinakaharap ngayon ng panganay ng child superstar na si Niño Muhlach na si Sandro Muhlach na may kinalaman sa sexual harassment involving two independent creative contractors ng GMA dahil napakatagal na umano ang insidenteng nangyari sa kanya involving a well-known and award-winning songwriter, arranger and musician na kanyang pinangalanan sa senate hearing.
?Taong 2005 at age 15 nangyari ang ginawang panghahalay umano sa kanya ng nasabing musical arranger na kanya umanong idinulog sa pamunuan ng GMA. Pero wala umanong nakarating sa kanya at sa kanyang pamilya na may ginawang move ang pamunuan ng Kapuso network na tinanggal pala ng TV network ang nasabing musical director.
?“Nineteen years man ang nakalipas, hindi pa rin nabubura sa puso’t isipan ko ‘yung trauma dahil alam kong malaya pa rin siya (musical director) at nagagawa pa rin niya ang gusto n’ya,” dugtong pa ng singer-actor.
?Ikinuwento pa ng singer-actor na may dalawa pa umanong nag-come forward para ilahad din ang kanilang naging karanasan sa nasabing kilalang musical director who were both 12 years old at that time, much younger than him. Willing din umano ang dalawang mag-testify against the songwriter, arranger and musician.
?Naniniwala si Gerald na bukod sa kanya at dalawa pa ay meron pang ibang biktima ang nasabing musical director na wala lamang sigurong lakas ng loob na magsabi ng totoo.
?Maaaring makasuhan ng pedophile at sexual abuse ang nasabing musician at pinag-aaralan na umano ng legal counsel na magsampa ng kaso laban dito.
?“I felt relieved,” pahayag pa ni Gerald nang finally maihalad niya sa senate inquiry ang matagal na niyang kinikimkim na parang tinik na nakatarak sa kanyang dibdib.? Inamin din nito na dumating umano siya sa point na kinuwestiyon niya ang Diyos dahil sa mga nangyayari sa kanya, pero pinagsisihan niya ito at hiningi na niya ng kapatawaran sa Itaas.
Ikinuwento rin ulit ni Gerald na masaya ang kanyang puso ngayon dahil nakilala na umano niya ang babaeng nagpapatibok ng kanyang puso at pangarap niyang makasama balang araw.
?Isa itong US Navy Filipino-American na nakilala niya in New York during his side visit sa Big Apple nung isang taon.
?Although nasa LDR (long distance relationship) ang mode ng kanilang relasyon, it works for both of them dahil almost every two months ay nagkikita umano sila. It’s either ang girlfriend niya ang dumarating ng Pilipinas o ‘di kaya siya ang lumilipad papuntang New York.
?“Medyo magastos pero okey lang,” natatawa niyang kuwento.
?Although ayaw pang pangalanan ni Gerald ang kanyang nobya who also sing at mahilig din sa dogs katulad niya, natitiyak na ang singer-actor at entrepreneur na siya na ang gusto niyang makasama habambuhay.