^

Pang Movies

Kahit sadsad ang rating ng show, male celeb memoryado na kung paano paikutin ang mga bossing

SO CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hinding-hindi raw manganganib ang estado ng male celebrity sa kanyang trabaho dahil na-master na nito kung paano sumipsip at magpalapad ng papel sa mga bossing.

Ayon sa isang source, every other week daw ay naghu-host ito ng bonggang dinner sa kanyang bahay para sa mga bossing. Bukod sa panalong catering, may pa-gift bag pa raw ito sa kanyang mga bisita.

“Chika sa akin na inaalam ng male celebrity na ito ang mga gusto ng bawat isang bisita niya. Kesehodang signature bag ito or alahas, gagastos siya para lang hindi siya makalimutan. At nangyayari nga naman ang gusto niya. Mawalan man siya ng show ay may kapalit agad. Ganyan siya magtrabaho sa mga bossing.”

Kaya naman pala kahit sadsad sa ratings si male personality, binibigyan siya agad ng kapalit na show. Kesehodang hindi ulit mag-rate ito, happy naman ang mga bossing sa mga regalo niya.

Sey ng source: “Kung tutuusin, barya lang para sa kanya ang sine-share niya dahil sa laki ng nabudol niyang talent fee. Afford niya talagang mamigay para mas malaki ang balik sa kanya.”

Anne, maraming ipamamanang designer bags 

Nawindang ang netizens sa mga pino-post ni Anne Curtis na mga mamahaling designer items na pag-aari niya.

Kahit na raw hindi rumarampa siya sa fashion events sa Paris, Milan and New York, kering-keri niyang irampa dito sa Pilipinas ang kanyang expensive designer brands.

Kelan lang ay nag-post siya sa Instagram ng isang pair of Yves Saint Laurent shoes na the Jeanne slingback pumps. Sa Yves Saint Laurent website, nagkakahalaga ito ng $1,350 or P75,577.

Noong July naman, bumili si Anne ng Dior Jolie top handle bag. May tag price ito na $4,900 or P274,318.

Back in June, pinost niya ang nabili niyang Gucci straw tote bag na ang presyo ay $1,980 or P110,847.

At noong May naman, pinost ni Anne ang pag-aari niyang Louis Vuitton Capucines East-West mini. Ang price nito ay $6,750 or P377,887.

Buti na lang daw at babae ang panganay niya na si Dahlia Amelie dahil ang dami niyang mamanahin na designer items na mas tataas pa ang value kapag nag-18 na siya.

Tanong din nila baka naman talent fee lang din ‘yun ni Anne sa pagpo-post niya?

David Archuleta, ‘di pa limot ang sisig at adobo

Hindi makakalimutan ni American Idol season 7 runner-up David Archuleta ang Pilipinas dahil sa pagmamahal na binigay ng kanyang Pinoy fans sa kanya noon at hanggang ngayon.

“I miss the Pinoy Archies (fans) and the Pinoys, the people, the culture, the food. I feel like the Philippines is so good in making people feel at home and feel welcome. I’ve been waiting six long years to come back, there’s the whole pandemic and everything that happened. When I come here, not only are they big fans of American Idol, the songs I have released. But I feel like we act the same,” sey ni David na nagkaroon ng concert sa New Frontier Theatre.

Pakiramdam daw ni David na Pinoy siya sa dati niyang buhay.

“When I come I’m like, I see myself so much in the Filipino culture, so I’m like, oh my gosh, am I Filipino? Everyone thought so. I just feel so a part of everyone here, and they’re a part of my life now,” sey pa ng 33-year-old American-German-Honduran singer na paborito ang mangga, sisig, pancit, bangus at adobo.

Back in 2012, pinagbida si David sa teleserye ng TV5 titled Nandito Ako kunsaan nakatambal niya sina Jasmine Curtis-Smith at Eula Cabalero.

ANNE CURTIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with