Parehong pinanggigigilan sina Jean Garcia at Angelu de Leon sa mga karakter nila sa kasalukuyan sa Widows’ War at Pulang Araw.
Ginagawang totoong tao raw ng nanay ni Jennica Garcia ang karakter niya. Kailangan may emosyon pa rin na kasali sa pagganap niya sa karakter para maging totoo ito kaya dapat ay may kahinaan at good side ito at palaging may rason kung bakit. Hindi raw kasi tinatangkilik ng mga tao kapag walang ipapakitang good side ang karakter niya na marahil ay natutunan niya na sa tagal niya sa industriya.
Habang si Angelu naman ay may pinaghuhugutan sa pagkokontrabida na hinuhugot daw niya sa mga tito o tita niyang masusungit. Kinukuha raw niya ang bits and pieces mula sa mga pinagdaanan niya sa tita niya.
Inamin din ng dalawang aktres na nanonood pa rin sila ng ibang kontrabida sa mga pelikula at TV bilang inspirasyon.
Sanay man daw sa kontrabida roles ang Pulang Araw actress at sa panonood pa rin daw siya nakakapulot ng pwede niyang gawin sa sariling karakter kapag kailangan niyang ibahin ang atake sa bagong role.
Natutunan ding gamitin ni Angelu ang mga ginawa sa kanya ng mga naging kontrabida niya noon at isa na rito ang beteranang aktres din na si Celia Rodriguez na naging ispirasyon niya na hinahangaan niya rin. Na sinang-ayunan din ni Jean kung gaano kalaki ang epekto ng dialogue at pananalita ni Celia sa galing nito sa pag-arte.
Bongga sila.