^

Pang Movies

Musical director na dinadawit sa rape, sasagot na?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Lumantad na rin ang singer na si Enzo Almario na dating member ng grupong Sugarpop at nagsabing siya ay inabuso rin ng musical director na si Danny Tan noong 2008 nang siya ay 12 taong gulang lamang.

Sinabi ni Enzo na tatlong ulit diumanong nangyari ang pangmomolestiya sa kanya pero noon ay hindi nila alam kung ano ang magagawa nila sa nangyaring iyon. Inamin niya ito nang marinig lang niya ang nangyari kay Gerald Santos.

Si Danny Tan ang nagbuo ng grupong Sugarpop at siya rin ang tumayong manager noon. Humarap na rin si Enzo at nagbigay ng kanyang sinumpaang pahayag sa harap nina Gerald at ng abogadong si Atty. Biboy Malaya na siya namang ibinigay ni Senador Jinggoy Estrada kay Gerald para makapagsampa ng kaso sa korte laban sa baklang musical director. Sinasabi pa ng dalawa na hindi lamang sila, kundi may iba pang mga kabataang lalaki na inabuso rin ni Tan na nakahanda na diumanong lumantad anumang araw mula ngayon. Sinasabi naman ni Gerald na kung ganun ay mas lalong lalakas ang kaso nila laban sa baklang musical director na umabuso sa kanila.

Ang huling narinig namin sa kanya ay nagbukas siya ng isang pet shop at dog grooming shop sa SM North EDSA. Doon din namin siya huling nakita mga ilang taon na rin ang nakaraan.

Bukas ang pahinang ito sa anong maaaring pahayag ng dating musical director kaugnay sa kinakaharap niyang kaso.

KC, pinatunayang mas mahal ang kapatid sa ama

Talaga ngang kahit na anong tingin ang gawin namin, lumalabas na mas malapit si KC Concepcion sa mga kapatid niya sa amang si Gabby Concepcion. Noong isang araw ay siya pa ang nag-post ng pagkikita nila ng kapatid niyang si Garie, kasama ang partner noong si Michael Pangilinan at ang anak nilang si Dani.

Si Garie ay naging anak ni Gabby kay Grace Ibuna. Sinasabi na si Grace ang naging dahilan ng paghihiwalay nina Sharon Cuneta at Gabby. Pero nagkahiwalay rin naman sina Grace at Gabby at hindi sila nagpakasal dahil noon ay hindi pa nakukuha ang annulment ng kasal nina Sharon at Gabby.

Pero ayan at close ang magkapatid sa ama.

Mrs. Yulo, inaabangan sa Mrs. Universe

Tingnan nga naman ninyo ang nagagawa ng controversy, ngayon ay inaalok na si Angelica Yulo na sumali sa Mrs. Universe. Nakita raw kasi nila ang kakaibang style noon at mahusay na pagpapalaki sa kanyang mga anak kaya lahat ay naging atleta at si Carlos ay nakapag-uwi pa ng dalawang gold medals mula sa Olympics.

Pero aminin natin, kung hindi nanalo si Carlos ng dalawang gold, at si Angelica ay nagtitinda lamang ng longganisa, iimbitahan kaya siya sa Mrs. Universe?

At kung sasali nga at mananalo si Angelica na nanay ni Carlos, aba tutunog na naman ang kanilang contest na ang sabi ay nag-rebrand na.

vuukle comment

KC CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with