^

Pang Movies

Kaso ni Sandro, labanan ng babaeng abogado

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Kaso ni Sandro, labanan ng babaeng abogado

Tama ang sinabi ni Niño Muhlach na “galit” pa rin ang anak na si Sandro Muhlach sa mga inaakusahang nang-abuso sa kanya. Sa video na inilabas ng 24 Oras, makikitang biglang tumayo si Sandro nang pumasok sa kuwarto kung nasaan siya sina Jojo Nones at Richard Cruz.

Hindi lang siya basta tumayo, kita sa mukha nito ang galit at sinundan ng tingin sina Jojo at Richard. Hinawakan lang siya sa braso ng kanyang lawyer kaya hindi nahabol ang dalawang akusado.

Dagdag pa ni Niño, umiyak pa si Sandro at kinailangang palabasin sa room sina Jojo at Richard. Inilipat ang dalawa sa ibang kuwarto para hindi sila makita ni Sandro. Ayon pa kay Niño, mas titindi pa ang mararamdaman ng anak kapag umakyat sa mas mataas ang kaso.

Napansin namin na parehong female lawyers ang abogado ni Sandro at nina Jojo at Richard. Women empowerment ito, pagalingan ng mga babaeng abogado.

Mariah, nagparamdam sa Paskong Pinoy

Mababasa sa Facebook ni Mariah Carey ang “Philippines, it’s time (only for you!!) I hope you’re all safe and well. Let’s celebrate together.”

Marami ang nag-thank you kay Mariah sa pagbibigay niya ng blessing na mauna nang mag-ce­lebrate ng Christmas ang Pilipinas at ang mga Pilipino. Ang Christmas song kasi ni Mariah na All I Want for Christmas ay paborito ng mga Pinoy bukod sa sikat na Christmas In Our Hearts song ni Jose Mari Chan.

May mga nega rin ang dating sa post ni Mariah, after engagement lang daw ito at ginagamit ang mga Pinoy. May nagsabi pang gusto lang nito na i-promote ang US tour niya, kaya binanggit ang Philippines.

May nag-react na hindi kailangan ni Mariah ng Pinoy fans, sikat pa rin siya. Hindi rin daw nito kailangan ng gimik at alam naman natin (pati mga nega) na maagang mag-celebrate ng Christmas ang ating bansa.

vuukle comment

SANDRO MUHLACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with