MANILA, Philippines — Over the moon pa ang pakiramdam ni Janine Gutierrez matapos ang kanyang biyahe sa Venice Film Festival para sa pelikulang Phantosmia ni Direk Lav Diaz.
Dream come true aniya ito para sa kanya.
“Yes, yes, ‘yun talaga ‘yung dream ko. Actually, hanggang ngayon may mga comment pa rin akong nakukuha na syempre kinikilig ako na parang... bakit hindi ka sumali ng beauty pageant? Hanggang ngayon tinatanong pa rin ako. Tapos, kasi ito talaga ‘yung pangarap ko eh, ‘yung prestigious na film festival. It’s what I always wanted. And then, when I was there nga may nakilala ako na Pinoy na taga-Venice na may picture siya with Mama Guy (Nora Aunor) nung nag-Venice pala siya few years ago. Hindi ko alam actually na nag-Venice si Mama Guy. Iyon dream ko talaga siya kasi parang ang ganda lang ng feeling na ‘yung audience ng ibang mga bansa pinapanood ‘yung mga pelikula natin. Nakikinig sila ng Filipino, ng Tagalog,” masayang kuwento ng actress sa isang intimate interview kasama ang ilang entertainment editors / writers kahapon na ginanap sa Super Sam.
Pero nung gawin ba niya itong Phantosmia, talagang for Venice? Or may idea siya na dadalhin ito sa international filmfest? “No, wala po. Pero, I really wanted to work with Direk Lav kasi I watched his films. And of course, alam ko na talagang inaabangan din siya internationally. And very cultural din ‘yung mga project niya na talagang parang Pilipino talaga pero inaabangan sa iba’t ibang lahi,” banggit pa ni Janine.
Sagot ng organizer and kanilang accommodation pero sila na nagbayad ng kanyang airfare. “Sila po nag-provide ng accommodation. Pero ‘yung flight, ako na po. Pero, I’m not sure about the others kung ano ‘yung arrangement.”
Pero talagang ibang karanasan daw ito, ang rumampa sa oldest international film festival sa buong mundo, ang one of the most prestigious.
“Kasi ‘di ba, susunduin ka ng water taxi tapos ‘yung paglapag sa airport parang meron nang welcome booth dun para sa mga attendees. Tapos sila ‘yung mag-aasikaso sa ‘yo.
“So, ‘yun palang, kinikilig na ako kasi ‘yung Venice Film Festival ‘yung may malaking sign ganyan. So ‘yung water taxi palang, kilig na kilig ako kasi nakikita ko lang ‘yun sa picture eh.
“Never pa naman talaga ako nakapunta sa Venice. Tapos may kasabay ako na dalawa ring delegates ng film festival. ‘Yung isa, director from Ukraine tapos ‘yung isa, parang siyang VR expert from France. Tapos parang halos magkakaedad kami, so nakakatuwa.
“Tapos pagpasok mo dun sa mga Canal, para siyang, ito pala ‘yung ginagaya ng Disneyland, ‘yun ‘yung pakiramdam. Tapos, super naka-smile ako, tumatawa-tawa akong mag-isa. Tapos ‘yung mga kasama ko parang natatawa na sa akin kasi parang... oo, tumatawa ako. Sobrang magical ng Venice pala,” detalyado pang kuwento ng actress sa amin kahapon sa naramdaman niya nang umapak na sa Italy.