^

Pang Movies

Mga negosyo ng aktor, lugi na!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Missing in action daw ang isang aktor na nagbibida na rin sa TV at pelikula! Pati nga sa isang ongoing series na kinabibilangan niya, “pinatay” na ang character niya!

Sa totoo lang, marami ang natuwa nang mabigyan siya ng break sa TV at mo­vies! Hindi naman kasi ang tipo niya ang leading material talaga!

Marami rin ang nagulat nang magkaroon siya ng iba’t ibang negosyo. Breadwinnner kasi siya kaya malaking tulong ito sa pamilya.

Pero all of a sudden, kung anu-anong tsismis ang naglabasan tungkol sa negosyo niya, huh! May ilan nga raw nagsara!

Ang worst, nagkaroon daw siya ng malaking utang sa pera! Totoo o hindi, nakakalungkot din.

Hayaan nating lumitaw ang aktor para masabi ang kanyang side!

Anjo, hihirit ulit sa pulitika

Humingi ng payo ang aktor na si Anjo Yllana sa kanyang followers kung papasukin pa niya ang pulitika.

Naging politician na rin naman si Anjo pero naputol ‘yon.

This time, target niyang tumakbong konsehal sa Calamba City, Laguna.

Huling hirit daw niya ito. Fifty-seven years old na siya next year at kung palaring mahalal at makapag­lingkod ng 9 years, 66 na siya.

“O find that old and near the end of the road,” saad ni Anjo sa kanyang Facebook.

vuukle comment

ANJO YLLANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with