^

Pang Movies

Ate Vi, tuloy na ang pagbalik sa pulitika

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Ate Vi, tuloy na ang pagbalik sa pulitika
Ate Vi

Kumpirmadong hindi na matutuloy ang pelikula nina Ate Vi (Vilma Santos) at Juday (Judy Ann Santos).

Kasi ang unang nasagutan ni Ate Vi ay ang pelikulang gagawin niya sa Mentorque Productions. Ang latest si Lorna Tolentino na raw ang papalit kay Ate Vi.

Saka nauna nang nasabi ni Ate Vi na pahinga muna siya sa film festival.

Ang Vilmanians naman, bagama’t noong una ay umaasa silang panga­ngatawanan muna ni Ate Vi ang kanyang pagiging aktres, lalo na nga ngayon at marami ang nagsusulong para siya ay ideklara ring isang national artist, pero sinabi nilang kung ang desisyon nga ng Star For All Seasons ay magbalik sa public service, wala rin silang magagawa kundi sumuporta sa kanya.

Lovelife ni Kobe, ayaw pakialaman ng mga magulang

Hindi ikinaila ni Jackie Forster na boto siya kay Kyline Alcantara na sinasabing syota na ngayon ng anak niyang si Kobe Paras.

Maging ang tatay naman ni Kobe na si Benjie Paras mukhang boto rin kay Kyline.

Maski ang fans, mukhang botong-boto kay Kobe. Sinasabi nga nilang napakapogi ni Kobe bukod sa matangkad pa, at kung iisipin, may ikabubuhay naman dahil kumikita na rin iyon bilang isang cager, na naglalaro hanggang sa abroad.

Pero kelan ba sila aaming officially in a relationship na sila?

Mga car fun boys, ginagamit ang pagmomodelo!

Ngayon lang kami nakarinig ng pamimintas sa models ng isang underwear manufacturer na noong araw ay inaabangan talaga ng fans.

Ngayon daw kasi ang male models ay puro galing sa bikini contests na kunwari ay sinasabing male pageants. Ngayon naman kasi ay wala nang distinction sa isang male pageant at mga bikini contest sa mga bayan-bayan, dahil ang sumasali sa mga contest na iyon ay sila-sila rin. Marami rin sa kanila suma-sideline bilang car fun boys.

Halata rin namang siguro nagtipid na ang producers ng fashion show kaya talagang kakaunti na ang mga artista at professional models. Noong araw kasi kailangan artistang may name at mga class A models lamang ang kanilang mga model.

Ngayon may Vivamax stars na at mga bikini contest models na nakapasok.

Isa pa kasi wala na silang kalaban ngayon, wala na ring magiging point of comparison.

Male starlet, wala pang bayad sa BL series na ginawa

Nagbalik na naman pala sa pagiging isang car fun boy ang isang male starlet na gumagawa ng gay series sa internet. “Tapos na iyolng series, at hindi pa nga kami nababayaran,” sabi raw noon.

Iyon pala ang deal nila ay gumagawa sila ng mga gay series, at babayaran lang sila kung ang producer ay nakasingil na sa kanilang sponsors, o kaya marami ang nag-subscribe sa kanilang palabas. Hanggang hindi nakakasingil, nganga silang lahat. Kaya hindi rin maiwasan ng male starlet na magpabalik sa pagiging isang car fun boy. Tumaas na rin kasi ang standard of living niya dahil sa nag-artista na nga, eh saan siya kukuha ng gagastusin niya?

Naku mahirap magbigay ng clue dahil hindi rin naman siya masyadong kilala pero ang isang sigurado gumawa siya ng boys’ love series.

vuukle comment

VILMA SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with