^

Pang Movies

TV personality, tinapon ang regalo ng batang may kapansanan!

SO CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Saksi ang isang barista sa pagiging plastik ng kilalang TV personality. Kung sa TV raw ay mukhang mabait ito, kapag walang nakatutok na kamera ay malayo raw ang tunay nitong ugali sa pinapakita niya sa TV.

Naimbitahan si TV personality sa blessing ng isang special school para sa mga batang ar­tist. Karamihan sa kanila ay may mga sakit pero hilig nila mag-drawing at mag-painting.

Niregaluhan si TV personality ng painting ng isang batang may kapansanan. Pinakita ni TV personality sa bata na happy siya sa regalo at idi-display raw niya iyon sa kuwarto niya.

Pero nung magkape ang team ni TV personality sa isang coffee shop, pinagtawanan daw nito ang binigay sa kanyang painting dahil nagmukha raw siyang alien.

Kaya sinadya raw nitong iwan ‘yung painting sa coffee shop. Nung sabihin ng barista na may naiwan sila, sagot ni TV personality: “Pakitapon na lang. ‘Di yan bagay sa bahay ko. Pangit ang gawa!”

Kaya laking gulat daw ng barista na ganun pala ang ugali ni TV personality. Kapag pangit ang regalo sa kanya ay itatapon na lang niya.

Ex-Star Circle Hunk, delikado ang trabaho sa Canada

Napa-throwback ang mga batang ‘90s sa former Star Circle hunk na si Don Laurel na miyembro ng Toronto Police Force since 2008.

Nakapanayam ang Fil-Canadian actor ni Dingdong Dantes sa programang Amazing Earth. Na-launch si Don bilang isa sa members ng Star Circle Batch 5 kung saan kasabayan niya sina John Lloyd Cruz, Baron Geisler, Tanya Garcia, Serena Dalrymple at iba pa. Lumabas siya sa mga pelikulang Hiling, Mila, Anak, Batang PX, Jologs at Bakit Pa? Sa TV ay nakasama siya sa Mula Sa Puso, Saan Ka Man Naroroon, at Gimik.

Naging asawa niya si Aurora Halili na Star Circle Batch 3 member. Noong magpakasal sila ay sa Canada na sila tumira. May apat silang anak. Isang Zumba instructor si Aurora sa Canada.

No regrets daw nung talikuran nilang mag-asawa ang showbiz. Maganda raw ang mga opportunities at benefits sa Canada lalo na kapag may pamilya ka na.

Sey ni Don: “I’m assigned sa Community Safety Unit. It is a dangerous job. Even before meeting Aurora, this was my dream job.”

Bonding daw nilang pamilya ay ang gardening. Nagha-harvest sila ng fresh organic vegetables na pesticide-free.

Star Wars actor, namatay sa edad na 93

Nagluksa ang maraming fans ng Star Wars at The Lion King dahil sa pagpanaw ng aktor na si James Earl Jones sa edad na 93 sa New York.

Nakilala siya bilang iconic voice ni Darth Vader sa Star Wars film series at bilang boses ni Mufasa sa The Lion King ng Disney.

Si Jones ay kasama sa grupo ng EGOT, ito ay ang artists na nakatanggap ng Emmy, Grammy, Oscar at Tony Awards.

Ilan sa mga pelikulang nagawa niya ay The Sting, The Great White Hope, Dr. Strangelove, The Comedians, Coming To America, Conan The Barbarian, Field Of Dreams, Patriot Games, at Soul Man.

STAR WARS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with