Naaliw kami sa post ni Andrea Brillantes na bawal daw siyang magkaroon ng schedule sa Oct. 5. Ang dahilan? Manonood siya ng concert ng idol niyang si Olivia Rodrigo.
Ini-repost ni Blythe sa kanyang Instagram Story ang poster ng concert ng nasabing Filipino-American singer-songwriter na gaganapin sa Philippine Arena.
“A lot of ppl have been mentioning me, yes I got the memo, yes nagpa-panic na ako,” she wrote.
Aniya pa sa sumunod na post, “nakalimutan ng lungs ko na mag breathe. Oh. my. gosh.”
Saad pa niya, “Hindi ako pwede magka schedule ng Oct 5! Block off yan block off!”
Matagal nang fan si Blythe ng nasabing sikat na Fil-Am pop singer. In fact, nai-post na niyang minsan na ang nasa top 5 playlist niya ay mga kanta ni Olivia tulad ng Bad idea, Right?, American Bitch, Lacy, Vampire, at Get Him Back.
Bagong all-male group, magaling gumiling
Sucessful ang launching ng all-male group na Magic Voys last Tuesday (Sept. 10) held at Viva Café. Puno ang venue at nag-enjoy ang mga dumalong entertainment press (and fans) sa show ng grupo.
Ang nasabing grupo ay binubuo ng pitong miyembro na sina Jhon Mark Marcia, Juan Paulo Calma, Mhack Morales, Rave Obado, Jace Ramos, Ian Briones at si Johan Shane.
Maganda ang reception ng audience sa kanila. Marami ang nakiliti sa kanilang kaguwapuhan, kaseksihan at talento. Solved ang girls at accla dahil bagyo ang kanilang dating.
Hindi lang sila palaban sa kantahan kundi mahusay rin sila sa sayawan at paggiling. As newbie performers, pasado sila sa amin at may potensyal na lalong gumaling.
Sina Jhon Mark, Juan Paulo, at Mhack ay nagsimula actually bilang aktor at napanood na sa Vivamax movies. Pero may ibubuga rin pala sila sa pagsasayaw at pagkanta.
Pero sina Jace at Johan ang maituturing na pambato talaga nila sa kantahan. Agaw-eksena ang dalawa nang kantahin nila ang Maybe This Time.
Sa naturang launching at show ng grupo ay ipinalabas ang music video ng first single nila na Wag Mo Akong Titigan.