Panda ni Heart, nagalit sa discrimination ng aso!

Heart at Panda

‘Presidente’ pala ng Aspin Society Elite ang ‘baby’ ni Heart Evangelista na si Panda.

Ito ay matapos ang sinasabing dog discrimination sa aspin na si Yoda – ‘di pinapasok sa isang restaurant sa Tagaytay.

 Sa post ni Panda (may sariling Instagram siya ha) : “Anong walang breed ???! Mas may breeding pa ako sa Inyo ha.Loka mga to. Hello sa mga kasali sa Aspin Society Elite . #wagako #aspinsocietyelite #presidentpanda #notodiscrimination,”  na ginamit  sa Instagram story ni Heart.

Si Panda ang favorite doggie ni Heart na pinasuot niya ng Cartier necklace na nag-trending.

Nauna nang humingi ng paumanhin ang Balay Dako, isang restaurant sa Tagaytay City, matapos nga ang insidente kung saan pinagbawalan nitong pumasok ang isang customer na may alagang aspin (asong Pinoy).

Nag-viral sa social media ang post ni Lara Antonio (may-ari ng aspin) kung paano tumanggi ang nasabing resto na tanggapin ang kanyang aspin.

Sinabi ni Ms. Antonio na alam niyang pet-friendly na establishment iyon.

Pero sa huling punta niya raw “mga medium-sized na aso lang”  ang tinatanggap dun.

Tinanong din daw siya ng staff ng FOH (friend of the house) kung ano ang lahi ng Yoda hanggang hindi na sila pinapasok.

Malaking kontrobersya ito sa kasalukuyan.

Sofia, aminadong hindi tuluy-tuloy ang trabaho

Maraming beses naging emosyonal si Sofia Andres nang i-launch siya bilang kauna-unahang celebrity endorser ng Hope Glow Super Glutathione Capsules ng Luna Aura.

Ito ay matapos siyang tanungin tungkol sa purpose niya sa buhay.

Lahad ng model/actress, wala na siyang mahihiling pa sa ngayon. Hindi man umano tuluy-tuloy ang pagdating ng mga proyekto, lalo pa nga’t maaga siyang naging ina kay Zoe, ang four-year-old daughter nila ng race car driver-BF na si Daniel Miranda, kumpleto pa rin ang buhay niya.

“I realized that we cannot have everything. But now, I feel, like, waking up in the morning, I feel that I’m so complete,” panimula ni Sofia.

“So, even though hindi tuluy-tuloy my projects and everything, but still, I’m given much blessings because I appreciate the blessings that’s, you know, going my way. And I think that’s the best feeling on earth, that’s the best feeling for me. And although it’s slowing down my career, for me that’s the best. I have time for my daughter, I have time with my family and at the end of the day, family is all you have,” patuloy niya.

Pero paano pa binago ng pagiging isang ina ang iyong priorities?

“It changed my life really being a Mom. I know my worth na now. I know what I deserve. And ‘yun nga ‘yung what’s your purpose in life. Parang now, I can navigate my path even clearer. So parang it’s not such a blessing in disguise. I know, for some people, I got pregnant early. And I never thought that I was going to be ready for something big.

“Kasi responsibility ko ‘yun forever eh. And I think it’s the biggest gift na binigay ni God for me. And I’m always, always grateful na naging nanay ako. I’m not gonna cry. Siguro natatawa sila, bakit siya iyak nang iyak,” emosyonal niyang paglalahad ng gratefulness sa pagiging ina tho hinihintay talagang makita ng kanyang followers na ikasal siya sa ama ng kanyang anak.

Anyway, mula noon hanggang ngayon, hindi nawala ang glow ng beauty ni Sofia kaya naman naniniwala ang Luna Aura co-founders na sina JC at Nica Alelis na siya ang perfect choice para mag-endorse ng kanilang produkto.

Layon ng Luna Aura na i-redefine ang perception ng publiko tungkol sa glutathione na ito ay pampaputi lamang. Taliwas sa paniniwalang ito, sinabi nila na ang Hope Glow Super ay may advanced formula — S-Acetyl at reduced L-Glutathione — na nagma-maximize sa effectiveness nito’t sumusuporta sa overall wellness ng tao na higit pa sa dulot nitong skin benefits.

Worship concert, magsasanib-pwersa ang 100 artists

Magsasama-sama ang mahigit 100 artists sa isang biggest worship concert 2024 ng CBN Asia, ang producer ng The 700 Club Asia at Superbook para sa sa kanilang engrandeng 30th Anniversary Worship Celebration, Beyond Measure, na magaganap sa Setyembre 24, 5:00 p.m., sa Smart Araneta Coliseum.

Kabilang ang magiging performer sina Gary Valenciano, Dulce, Morissette, Donny Pangilinan, Sam Concepcion, Angela Ken, John Roa, Acel, Dave Lamar, Isay Alvarez, Robert Seña, Keiko Necesario, Tricia Amper-Jimenez, Jonathan Manalo, Hazel Faith, Caleb Santos, and many more!

Magtatanghal din ang mga sikat na Reverb Worship artists tulad nina Gab Valenciano, Manoeuvres Ignite, LSDC-Street, and the cast of Trumpets’ Joseph the Dreamer. Ganundin and award-winning musical arranger and director Mon Faustino sa musical direction.  

Meanwhile, Peter Kairuz, President and CEO of CBN Asia and host of The 700 Club Asia, will deliver a powerful message to relive the organization’s 30 years of proclaiming Christ and transforming lives, and inspire the audience on how God will remain faithful in the years to come.

Ito ay magsisimula ng 5:00 p.m. sa Reverb Worship LIVE, na para sa isang gabi ng papuri, na susundan ng Beyond Measure Worship Celebration sa ganap na 6:00 p.m. Bilang isang multi-faceted, non-profit na organisasyon na nakatuon sa pagpapahayag kay Kristo at pagbabago ng buhay sa pamamagitan ng media, prayer counseling, humanitarian aid, at cross-cultural missions training, ang CBN Asia’s Beyond Measure anniversary concert ay isa ring fundraising event para sa kapakinabangan ng CBN Asia Family of Ministries, Operation Blessing Foundation Philippines, at ang Asian Center for Missions.

 “It is my hope that all supporters of CBN Asia and everyone who has been touched by this ministry will join us in worshiping the Lord as we reflect on His goodness to all of us over the past 30 years,” CBN Asia’s Executive Vice President and Chief Operating Officer John Valdes Tan said.

Come and be part of history. Get your tickets now as you donate through cbnasia.org/beyondmeasure and experience worship beyond measure! For inquiries, call 8-737-0700 or contact 0908-887-5602.

Show comments