Bean ni Angelica, mina-manifest agad sa Olympics!

Bean

Ang bongga naman ng daughter nina Angelica Panganiban at Gregg Homan na si Amila Sabine o Bean na lutang agad ang tapang sa paglangoy sa pool.

Ipinost ng actress ang bonding nila ng anak at makikita ang pagka-enjoy ng bagets sa paglangoy.

Ang cute nga ng mag-ina habang maririnig sa video na sinasabi ng aktres na hindi niya bibitawan ang anak na takot pa noong una.

Ang tapang nga raw ni Bean na hindi takot lumangoy mag-isa habang may suot na arm floaties at kita ang pagkasabik niya.

Ang galing daw ng anak nila Angelica na sigurado raw water baby.

Komento rin ng mga ito ay lutang din agad ang ganda ni Bean na mina-manifest na nilang future beauty queen din na pang-Miss Universe ang beauty paglaki na mana sa kanyang mommy.

“Life goes on” ang caption ni Angelica sa kanyang post na kamamatay nga lamang ng nanay niya kamakailan.

Si Bean nga raw ang happy pill ng pamilya nila na nagpapasaya sa kanila sa kabila ng mga pinagdaanan nilang kalungkutan.

Show comments