^

Pang Movies

Jean, wagas pa rin kung manampal

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Jean, wagas pa rin kung manampal
Jean

Nawindang ang viewers ng Widows’ War sa Monday episode ng series nang paulanan ni Jean Garcia ng sunud-sunod na sampal si Brent Valdez.

Anim lahat ang organic sampal na dumapo sa pisngi ni Brent, ‘yun kasi ang gusto ni Director Zig Dulay. Sa rehearsal lang hindi totoong sinampal ni Jean ang aktor at sabi pa nga nito, kapag longshot, dadayain na lang niya.

Pero, sa actual take, walang daya sa mga sampal niya, lahat tumama sa pisngi nito na nawindang sigurado. Ang laki pa naman ng palad ng aktres at kilala siyang masakit manampal.

In fairness, after ng take, nag-sorry siya at niyakap si Brent na kinakantyawan na at least, nasampal siya nito. Sagot naman ni Brent, honored siyang nasampal ng aktres, at least, genuine rin ang reaction niya.

Pinost ni Carla Abellana ang eksenang sinampal ni Jean si Brent at sabi, “The slaps of Ms. Jean were so CRISPY, rinig hanggang sa labas ng Palacios mansion! I’m not kidding, because i was there and part of each take. Phew! Kagulo after everycut.”

Anyway, baka ma-extend uli ang WW, kaya marami pang masasampal si Jean sa cast. 

Jadine fans, ‘di pa maka-move on!

Proud boyfriend si James Reid sa pagkasama ng girlfriend na si Issa Pressman sa “The Best Dressed List of 2024” ng Preview. 

Matatandaang sa 2023 list, si James naman ang kasama sa listahan. Nag-comment ng girl emoji si Issa na may heart sa face pasasalamat siguro sa pagiging proud sa kanya ni James.

Kaya lang, hindi ‘yun ikinatuwa ng fans at tinawag pa si Issa na “rebound girlfriend” ni James. May nagsabi pang kaya niya ni-like ang photo ni James dahil lang sa kanya at hindi dahil kay Issa.

Ang tagal ng break sina James at Nadine Lustre at may kani-kanya ng love life, pero may JaDine fans pa na hindi pa rin naka-move on.

vuukle comment

JEAN GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with