Bongga, nag-uwi ng P155,000 ang komedyante na si Jerald Napoles matapos niyang makuha ang sagot sa super box question sa pinakabagong segment ng It’s Showtime na Throwbox.
Sa Throwbox, 10 studio players ang papipiliin ng box na tingin nilang may star para umusad sa susunod na round.
Ang maswerteng player na makakuha ng star ang tutungo sa next round kung saan pipili naman siya ng limang boxes na may kaakibat na cash prize. Kapag nasagot niya ng tama ang tanong ay idadagdag ang cash prize sa kanyang pot money habang kapag nagkamali siya ay ibabawas naman ito sa kanyang naipanalo na.
Sa jackpot round, papipiliin naman siya kung ano ang gagawin niya sa kanyang premyo kung ‘doble o kalahati o ‘triple o sawi’ bago niya sagutin ang ‘Super Box’ question.
Sa elimination round, napili ni Jerald ang throwbox na naglalaman ng star kaya naman natalo niya ang kapwa komedyante na sina Chad Kinis, Long Mejia, Iyah Mina, Anton Diva, Petite, Negi, at iba pa. Umusad siya sa next round kung saan nasagutan din niya ng tama ang limang throwbox na naglalaman ng iba’t ibang cash prize at hawak ng hosts na sina Vhong Navarro, Karylle, Jugs Jugueta, Ion Perez, at MC and Lassy. Nakalikom nga siya ng P75,000.
Samantala sa jackpot round, pinapili siya nina Vice Ganda at Jhong Hilario kung alin sa dalawa, ‘doble o kalahati’ o ‘triple o sawi’ ang gagawin niya sa nakuha niyang cash prize. Pinili niya ang doble o kalahati at nasagutan ang tama sa tanong kung ano ang gulay sa Bahay Kubo na may English name na wing bean kaya naman dumoble ang panalo niya at nag-uwi siya ng P150,000.
Umani ng maraming papuri ang segment dahil sa pagiging informative nito lalo pa at nagbibigay ito ng kaalamanan sa nangyari sa nakaraan.
Ibinahagi rin nila na natutuwa silang maki-sagot sa mga tanong sa “Throwbox” at malaman ang iba’t ibang trivia na baon ng hosts.
Magandang idea ito ito dahil andami naman talagang magagandang throwback na kuwento na kakapulutan naman ng aral noh.