Natawa si Ruru Madrid sa naging ‘rebelasyon’ ng girlfriend na si Bianca Umali nang mag-guest ito sa It’s Showtime bilang hurado ng Kalokalike segment.
Sa nasabing episode ng show, habang nagkukulitan si Bianca at ang contestant, biglang sinabi ng aktres ang tungkol sa offer na kasal sa kanya ni Ruru.
“Nagsabi ka sa akin papakasalan mo ‘ko, hindi mo alam anniversary natin?” kantyaw ni Bianca sa kalokalike ni Ruru.
Sey ni Vice Ganda, “may revelation, nag-propose na pala Bianca, ha! So, may tinatagong proposal?”
Tawa lang nang tawa si Bianca.
Sa panayam ni Ruru sa 24 Oras ay nagbigay na ng reaksyon ang aktor sa sinabi ni Bianca.
Ayon sa aktor, totoo naman daw na pinangakuan niya ng kasal si Bianca. “Simula naman noong unang beses kong nakasama at nakilala si Bianca, pinangakuan ko na siya agad niyan (kasal). Hanggang pangako lang muna tayo,” sey ni Ruru.
Sa tanong kung kelan niya pakakasalan si Bianca, natatawang sagot ni Ruru, “malalaman natin ‘yan sa susunod na kabanata.”
In their past interviews ay lagi namang sinasabi ng RuCa na sure na sila na ang isa’t isa na ang gusto nilang makasama sa habang-buhay. The couple is now in six years of strong relationship.
Nanay ni Anne, naospital!
Tatlong araw nang nasa hospital ang ina ni Anne Curtis na si Carmencita Ojales base sa Instagram post nito.
Sa reel na ipinost ni Gng. Carmencita ay makikita na tila may oxygen na nakakabit sa kanya.
Caption niya, “How long be!!!! 3days already here in hospital.”
Sa comment section ay nagpaabot ng kanyang mensahe si Anne sa inang naninirahan sa Australia.
“Get well soon mama!” mensahe ni Anne.
Maging ang celebrities ay nag-alala rin at nag-send din ng kanilang “get well soon” messages tulad nina Derek Ramsay, Jhong Hilario, Jugs Jugueta atbpa.
Ang ibang netizens naman ay nagtatanong kay Anne kung ano ang nangyari sa kanyang Mama pero hindi na sumagot ang aktres.
Ariel, itinangging nanghihingi ng pera
Umalma si Ariel Rivera sa kanyang fake account sa Facebook na nanghihingi ng pera sa mga tao gamit ang kanyang identity.
Ipinost ng mister ni Gelli de Belen sa Instagram ang screenshot fake account niya sa FB at nilinaw na hindi siya ito.
“Mga kaibigan, hindi po ako ito. I DO NOT have a Facebook account! They have been trying to scam people for money. Please let them know that they have been exposed,” bungad ni Ariel.
Ang nakakaloka pa ay nag-message raw ang fake account na ito sa kanyang kaibigan sa Norway at mabuti na lang ay hindi ito naniwala agad at in-inform muna si Gelli. “Fortunately for me, they directly messaged a friend of mine from Oslo, Norway, in an effort to get money from them, but my friend immediately informed my wife,” pagbabahagi niya.
“It’s unfortunate that people, especially mga kakabayan natin, will resort to this just to STEAL from fellow kababayans who make an honest living,” saad pa ng singer.