Karylle, humuhugot ng lakas kay Amy

Karylle at Amy

Naging emosyonal ang It’s Showtime host na si Karylle nang magbigay ng birthday message sa co-host niyang si Amy Perez.

Isinelebreyt ng kapwa nila hosts ang birthday ni Amy kung saan binigyan siya ng bulaklak at isinayaw nina Vhong Navarro, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, Ryan Bang, Ogie Alcasid, at Darren Espanto.

Parte ng selebrasyon ay ang pagbibigay ng mensahe at dito naging emosyonal ang anak ni Zsa Zsa Padilla. Sinabi niyang kay Amy siya humugot ng lakas sa kabila ng mga pinagdaanan niya kamakailan.

Roomie pala sila at totoong Tita Amy raw niya ito dahil kapatid ng tatay nito ang lola ni Karylle. Nagpasalamat siya sa kanyang tita dahil hindi alam ng lahat pero ito raw ang naging sandalan niya dahil hindi naging madali ang pinagdaanan niya.

Nang malaman daw niya ang hindi magandang balita habang nasa taping ang kanilang programa ay kay Amy raw siya unang lumapit.

Sa bawat problema raw kahit maliit man, alam nilang may kakatok sa dressing room nila dahil ito ang takbuhan nila sa bawat problema. Hindi raw alam ni Karylle kung paano makaka-survive sa buwan na ito kung hindi dahil kay Amy na kina-touch din ng kapwa nila hosts at binigyan pa siya ng group hug.

Maaalala ngang isa sa pinagdaanan ni Karylle ay ang pagkamatay ng daddy niya na si Dr. Modesto Tatlonghari.

Show comments