^

Pang Movies

Janine, nagbilad ng katawan sa Italy

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Janine, nagbilad ng katawan sa Italy
Janine

Kinaaliwan ng netizens ang komento ni Jericho Rosales sa Instagram post ng rumored girlfriend na si Janine Gutierrez.

Nag-post si Janine ng mga larawan niya in a two-piece bikini habang nasa poolside ng hotel na tinutuluyan sa Venice, Italy.

Caption ng aktres, “euro summer break!!.”

Super-sexy naman talaga ni Janine sa mga larawan kaya naman nagkagulo ang supporters niya sa comment section.

Pati ang mga kapwa-celebrities ay nag-comment at isa sa nasa top comments si Echo.

Nag-react ang aktor ng GIF na nagpapakita ng isang lalaki na nasisilaw sa init ng araw. Na tila ang ibig sabihin ay napaka-hot ni Janine.

Dinagdagan pa niya ito ng comment na “dapat weather report ginawa ko kanina sa @tvpatrolph.”

Super-laugh ang netizens sa komento ni Echo but at the same time ay kilig na kilig sila.

Komento ng isa, “@jerichorosalesofficial jerecho’s comment nakakasilaw ba kagandahan niya.”

“ahhhh kilig,” sey naman ng isa pa.

David, hindi kumakain ng bawang bago makipaghalikan

Maraming dismayadong fans kay Barbie Forteza dahil ayaw pa rin niyang magpa-kiss sa lips sa ka-loveteam niyang si David Licauco.

Ipinalabas na nga ang kissing scene nila sa Pulang Araw at kitang-kita sa eksena na hindi talaga naglapat ang lips nila.

Kahit sa mga dati nilang proyekto ay wala pa talaga silang totoong kissing scene.

Sa panayam sa BarDa sa Updated with Nelson Canlas ay si Barbie na mismo ang nagkwento na bina-bash siya ngayon at sinasabihang hindi raw siya magaling na aktres.

“Maraming nagba-bash. Hindi raw ako magaling na actress kasi hindi daw ako nagpapa-kiss,” aniya at natawa silang pareho ni David.

“‘Yun pala ‘yung batayan,” dagdag pa ni Barbie.

Pero kahit naman hindi naglapat ang lips nila, still ay may preparations pa rin naman daw silang ginagawa bago kunan ang ganu’n kadelikadong eksena.

Sey ni David, “mouthwash, hindi kakain ng garlicky (food).”

Tungkol naman sa ayaw magpa-kiss ni Barbie, ang alam namin ay hindi pa talaga ready ang aktres sa mga ganitong eksena at inirerespeto naman of course ‘yun ni David at ng mga katrabaho niya sa produksyon.

vuukle comment

JANINE GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with