^

Pang Movies

Kathryn at Nadine, nagkasundo na!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Matagal nang magka­kilala sina Kathryn Bernardo at Nadine Lustre, pero ngayon lang nila naisip i-follow ang isa’t isa sa Instagram. Kundi pa si­guro nagkita sa birthday party ni Dr. Aivee Teo ng The Aivee Clinic na pareho nilang pina-patronize, hindi pa nila ito gagawin.

May photos silang dalawa na kuha sa party ay nagkakuwentuhan at kinabukasan, nakita na lang ng fans na they follow each other in IG. Ikinatuwa ito ng kani-kanyang fans dahil mawawala na raw ang impression na hindi sila friends.

Hindi naman sila magkaaway, ang fans lang nila ang nagbabardagulan at ang laging pinag-aawayan ay kung sino ang mas sikat at sino ang mas magaling na aktres sa dalawa. Actually, may mga nag-comment na sana pagsamahin sa pelikula ang dalawa para malaman na kung sino sa kanila ang mas mahusay na aktres.

Anyway, sa photos na kuha sa party, halos lahat ng nagpa-patronize sa The Aivee Clinic ay present. May mga nanghinayang nga na hindi dumalo si Daniel Padilla na isa ring Aivee Baby, sana raw nagkita sila ni Kathryn. Nakabalik na kasi ito sa Manila mula sa taping sa Palawan ng Incognito.

Si Kathryn naman, malapit na silang magsimulang mag-promote ni Alden Richards ng movie nilang Hello, Love, Again na may Nov. 13, 2024 playdate.

Dating produ ng Eat Bulaga, gusto ulit maging aktibo

Nag-aaway-away na ang fans ng Eat Bulaga at nina Tito, Vic and Joey at ang supporters ng TAPE Inc., ng pamilya Jalosjos sa ibinalita ng TAPE Inc., na magbabalik na sila. Magiging active uli ang kum­panya and this time, hindi na lang pang-television ang kanilang ipoprodyus.

Pati raw film production at online content at pati concerts at events, magpoprodyus na rin ang TAPE Inc. Pati nga talent management at recording papa­sukin na rin ng kumpanya.

Ang isyu sa mga ayaw sa pagbabalik ng kum­panya, sana raw hindi na sila tanggapin uli ng GMA Network.

Jasmine, may patikim na topless

Kabilang si Anne Curtis sa mga nag-comment sa post ni Jasmine Curtis-Smith na topless at panty lang ang suot. Wala nga lang masisilip kay Jasmine dahil nakatalikod siya. Nag-comment si Anne ng emojis ng fire burning sa kapatid.

Para yata sa movie nila ni Piolo Pascual na Real Life Fiction ang photo na ‘yun at gugulatin pa sila ni Jasmine sa mga love scene nila.

Dahil pala sa emoji comment ni Anne, lalong napatunayan na walang isyu sa kanila lalo na at tungkol sa husband niya na si Erwan Heussaff.

vuukle comment

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with