^

Pang Movies

Darren, astig ang bagong sasakyan!

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Darren, astig ang bagong sasakyan!
Darren

Ang bongga naman ng singer-actor na si Darren Espanto na nakabili ng kanyang bagong sasakyan.

Ipinost niya ang mga litrato ng kanyang bagong sasakyan na Cadillac Escalade at tinawag niya itong kanyang “big boy purchase.”

Nagpasalamat siya sa Diyos sa lahat ng blessings na natanggap niya. Inalala rin niya ang sobrang pagkagusto niya sa pagsakay noong bata pa siya sa Escalade rin ng parents niya at mula noon ay naging fan na siya nito.

Napakomento nga ang netizens na ang bangis daw ng bago niyang kotse at dream car daw talaga ito.

Pinresyuhan pa nga ito ng netizens at sinabing nasa P18 million pataas ang halaga nito.

Deserved daw ito ni Darren na napakasipag at talented.

Maaalala ngang naoperahan siya kamakailan habang pauwi na siya galing sa kanyang show sa ibang bansa. Didiretso na dapat siya noon sa It’s Showtime pero nagkaroon siya ng appendicitis at dumiretso na lamang sa ospital.

Kahit nga may sakit ay mas inalala pa niya noon ang mga producer ng dapat mga show niya at mas nalungkot siya na nakansela ito ng last minute.

Kaya deserved talaga niya ang natatanggap niyang blessings dahil pinaghirapan niya ito.

Bongga.

vuukle comment

DARREN ESPANTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with