Nagpanalo kay Marian ng best actress, ipapalabas sa mga sinehan

Marian

Mas marami pa ang makakapanood ng pelikulang Balota ni Marian Rivera dahil ipalalabas ito sa mas maraming sinehan simula sa Oct. 16!

Limitado kasi ang sinehang pinagtanghalan ng Balota nung Cinemalaya run nito. Pero naging box-office hit pa rin ito at nanalo ng best actress si Yan!

This time, mas marami pang makapapanood ng first Cinemalaya movie ni Marian na napapanahon lalo na’t nagsisimula na ang nagbabalak tumakbo sa 2025 midterm elections!

Sa susunod na buwan ng Oktubre ang filing ng candidacy. May mga TV ad na ang kagaya nina Camille Villar, DILG Secretary Benhur Abalos, Senator Tolentino at iba pa.

Team Volleyball at Team Basketball, pasok sina Kristine at Iya

Sixth baby na nina Kristine Hermosa at Oyo Sotto ang ipinanganak ng aktres.

Fifth baby naman nina Drew Arellano at Iya Villania ang inanunsyo nila. May nagbiro raw na puwedeng maging anim pa ang anak ng dalawa, huh!

Team Basketball versus Team Volleyball, huh!

Congratulations!

Show comments