^

Pang Movies

Jasmine, may bwelta sa hiwalayan nina Anne at Erwan!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Jasmine, may bwelta sa hiwalayan nina Anne at Erwan!
Jasmine

Nasa Australia ang magkapatid na Anne Curtis at Jasmine Curtis Smith at anak ni Anne na si Dahlia. Pero, kinailangang sagutin ni Jasmine ang nabuhay na tsismis sa kanila ng brother-in-law niyang si Erwan Heussaff, husband ni Anne.

May kumalat na tsismis na hiwalay na sina Anne at Erwan at si Jasmine pala ang itinurong dahilan. Mukhang hindi pa sapat ang sagot ni Erwan sa isyung hiwalayan na “lol, you shouldn’t believe news from random accounts on Facebook” dahil si Jasmine uli ang ginulo.

Napa-comment tuloy si Jasmine ng “Hi everyone and happy weekend. Ayoko na sana i-address ‘to dahil alam ko naman my sister’s and my supporters are wiser, but wag tayo magpadala sa fake news here on FB or TikTok.

“We are peacefully bonding and enjoying each other’s company in Australia at the moment. Love love love!”

Kasama nina Jasmine at Anne sa picture ang mom nila at nabasa namin na kaya sila nasa Australia dahil may dinaluhang kasal. May netizen na walang prenong nag-comment na k***t daw si Jasmine ni Erwan. Sabi pa ng netizen, ayaw niyang maniwala dahil hindi mang-aagaw si Cristy (name ng karakter ni Jasmine sa Asawa ng Asawa Ko) at si Shaira (Liezel Lopez in the same series ang kabit).

Sa nag-comment pa na “sana fake rin ‘yung hiwalayan nila ate anne.” Sagot ni Jasmine, “Super fake.”

Ayan, mga beshie, fake news ang paghihiwalay nina Anne at Erwin at lalong fake ang tsikang si Jasmine ang dahilan.

Iya, ‘di na pinaniniwalaan

Nakakatawa ang reaction ng isang netizen sa balitang preggy uli si Iya Villania sa fifth child nila ni Drew Arellano na sabi ni

ni Iya, last na itong ipinagbubuntis niya at pati sa anchors ng 24 Oras, ganu’n din ang kanyang sinabi. “Last na ‘to talaga!” Bagay na hindi pinaniwalaan nina Mel Tiangco.

Biniro niya si Iya na nagbakasyon lang sila ni Drew, pagbalik ay may dala nang baby.

Mark Leviste, may emoji sa pagbabalik ni Kris!

Nag-comment ng emoji na may eyes ng red heart si Mark Leviste sa post ng isang fan group ni Kris Aquino na ibinalitang nag-request ng bagong bracelet si Kris sa friend niya na nasa bansa.

Sa isa pang post na emoji rin ang comment ni Mark, sinabihan siyang siya na ang bumili ng bracelet ni Kris as his welcome gift sa pagbabalik sa bansa nito.

Anyway, excited at masaya ang fans ni Kris at nagpasalamat din sa Diyos dahil dinidinig daw ang mga dasal nila na pagalingin ang kanilang idolo.

vuukle comment

JASMINE CURTIS SMITH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with