Uuwi na sa Pinas? Kris, nanghingi ng discount sa gustong bracelet

Kris

MANILA, Philippines — Babalik na nga ba ng Pilipinas si Kris Aquino?

Well, ito ang binanggit niya sa isang kumalat na video greeting na ini-upload ng hairstylist niyang si Kimora Bernabe para sa kaibigan nitong huli.

Chika ni Kris sa friend ni Kimora, ihanap siya ng bracelet na kakasya sa kanyang maliit na wrist.

 “Ate Kimora said you gave a really good price para sa kanyang earrings. Okay, ako naghahanap ng bracelet. Pero as you can see, super teeny-tiny, so give me a good price when we go home.”

Kaya naman na-busy ang fans ni Kris na matagal nang sabik na makita siya.

Matagal-tagal na sa Amerika si Kris dahil sa kanyang pagpapagamot.

So kelan kaya siya magbabalik-bayan?

Show comments