^

Pang Movies

Janine, natupad ang pangarap sa Venice Filmfest

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Janine, natupad ang pangarap sa Venice Filmfest
Janine

Tuwang-tuwa nga si Janine nang dumalo siya sa red carpet ng Venice Film Festival para sa premiere ng kanyang Lav Diaz-helmed movie na Phantosmia.

“Today was a dream come true!!!!! #VeniceFilmFestival #Venezia81 @labiennale @phantosmiafilm,” caption ni Janine Gutierrez.

Suot ng actress ang low back, powder-blue gown na gawa ni Vanie Romoff nang rumampa sa Red Carpet ng Venice Filmfest.

Napanood ang pelikulang pinagbibidahan ni Janine na obra ni Lav Diaz, Phantosmia sa La Biennale di Venezia - Out-of-Competition section.

Nagkomento naman si Jericho Rosales na aminadong masayang-masaya ang puso dahil kay Janine ng “You look like a dream Congratulations to you and @phantosmiafilm!!! ”

Coco, biglang yaman at bagong bihis!

Mayaman at bagong bihis na Coco Martin bilang “bagong Tanggol” ang masusubayan sa mas maaksyong FPJ’s Batang Quiapo.

Biglang nagbago ang kapalaran ni Tanggol dahil matagumpay niyang ibinenta ang diyamanteng Star of Venus sa mayamang negosyanteng si Divina (Rosanna Roces). Kapalit nito, kasosyo na si Tanggol sa negosyo ni Divina na milyun-milyon ang halaga.

Sa kabila ng pagyaman ni Tanggol, mukhang hindi pa rin siya tatantanan ng kaliwa’t kanan na gulo dahil makikilala niya ang ilang makapangyarihang grupo na sangkot sa iligal na negosyo.

Sabik naman ang netizens sa bagong Tanggol at inaabangan na rin nila ang mas kapana-panabik na action scenes.

Astig na raw si Coco.

Well, mas madali na kay Coco ang role na mayaman dahil diumano ay nagbabalak itong bumili ng house and lot sa Spain.

Pinapayagan sa Spain ang non-EU nationals sa pamamagitan ng property investment para sa golden visa at magiging eligible ang Filipino citizen para mag-apply for citizenship pagkatapos ng two years tulad kay Bea Alonzo.

Kyle, hindi akalaing bobongga ang career!

Napag-aralan na ni Kyle Echarri na tanggapin ang nangyari sa kapatid na bunso.

Pero aniya, hindi masasabing ok na talaga siya.

“I’ve never been okay naman po talaga. I’ve learned to accept that grief is going to be something that lives with you forever, and it’s something I just have to learn how to, maybe not move on from, but move on with kumbaga. 

“I know it’s always going to come back to me. May mga ilang araw talaga na mami-miss ko lang po talaga ‘yung kapatid ko pero hindi natin maiiwasan ‘yan. 

 “Parte na po ‘yan ng buhay ko eh. Pero ang ginagawa ko lang naman po ngayon, trying my best to live my life the way she wanted to live her life. My sister was an angel on this earth, so I’m just trying my best to, just like Moises, gawin kung ano pong tama,” patungkol sa namatay niyang sister na si Bella.

Pumanaw si Bella noong nakaraang taon, April 2023, wala pang isang taon matapos siyang ma-diagnose na may tumor sa utak.

Samantala, sinagot ni Kyle ang status ng relationship nila ni Andrea Brillantes. “Masaya naman po kami. Okay naman po kami. We’ve always just been friends. We’ve always been very good friends,” sabi niya sa amin sa ginanap na mediacon at thanksgiving event para sa Pamilya Sagrado last Sunday (Setyembre 1).

Marami kasing kinilig sa kanila lalo na sa ginawa ni Andrea na jowa for a day with Kyle.

May chance ba ulit? O may naudlot ba?

“Hindi ko po kasi masabi na hindi po nangyari dati eh. So you know, I’m not gonna lie pero na-hint na rin ‘yan ni Blythe (Andrea) ‘yun. Alam naman ng iba it’s just something na hindi naman kailangan sabihin pero...”

Nung sinundan mo siya Korea, ganun?

“Basta mahal naman namin [ang] isa’t isa. We love each other in different ways. She will always be someone that I care about, someone that’s important to me, and I think vice versa. I think. Pero we appreciate each other, and we’re in the shift for the long run. I know we’re going to be together for a long time, and she’s very important to me,” paliwanag ng actor sa interview ng ilang entertainment editors.

Ngayon ay bilib siya sa young actress na niyakap nito ang kanyang independence.

At aniya pagdating sa traits, maraming siyang gusto kay Andrea.

“Marami po pero isa po siguro sa ngayon, siguro ‘yung pinaka-gusto kong trait sa kanya ngayon ‘yung pagka-embrace niya sa independency niya ngayon. I’m so happy that she’s finally embracing being alone.

“She’s going to explore the world alone. She’s also very faithful, and I’m so proud of her now. I’m super proud of who she is right now, and I can’t wait to just keep wat­ching her grow,” paliwanag ng young actor sa paghanga kay Andrea.                        

Sa kasalukuyan ay maganda ang nangyayari sa career ni Kyle lalo na at talagang napatunayan niya ang husay sa Pamilya Sagrado.

Level up ang kanyang pagiging actor?

“Masasabi ko pong level up sobrang...hindi naman sa feeling ko nasa ibang level na akong ganun pero level up na it’s something I’ve been dreaming of. 

“This will always be something I could only dream of when I was younger. Hindi ko aakalain na aabot din ako sa ganito ang career ko. Especially working nine years of my life since I was 12 years old po, and then nandito po ako ngayon. It’s such a full circle moment for me; itong show na ito, and I’m so happy,” pahayag pa ni Kyle.

Nauna na niyang sinabi na may nararamdaman siyang pressure pero honored to be called na one of the “next in line” dahil nga seryeng pinagbibidahan nila nina Piolo Pascual and Grae Fernandez.

“Maraming magagaling na artista sa ABS-CBN kaya para sabihin na isa ako doon, talagang nagpapasalamat ako.”                  

Alvin Elchico, pinalitan si Henry

Opisyal ng kasama  si Alvin Elchico sa anchors ng TV Patrol umpisa noong Lunes (Sept. 2), kung saan katuwang niya sina Noli de Castro, Karen Davila, at Bernadette Sembrano sa paghahatid ng mga nagbabagang balita.

“Panibagong yugto na naman ng aking buhay sa newsroom ang aking tatahakin at araw-araw na ako magbabalita sa ‘TV Patrol.’ Maraming, maraming salamat po sa tiwala,” sabi ni Alvin.

Bago ma­ging anchor ng TV Patrol, nagsilbing anchor ng TV Patrol Weekend si Alvin sa loob ng 13 taon, habang nagbabalita bilang reporter ng energy at consumer beat. Nagsimula ang karera niya bilang field reporter hanggang sa naging anchor siya ng TV Patrol Bacolod.

Sa kanyang paglipat sa Manila, naging bahagi rin si Alvin ng AM radio station ng ABS-CBN na DZMM Radyo Patrol 630 kung saan pinagpatuloy niya ang kanyang trabaho bilang field reporter.

Bukod sa TV Patrol, patuloy pa rin ang pagi­ging anchor niya sa Gising Pilipinas kasama si Doris Bigornia sa Teleradyo Serbisyo.

 Si Alvin ang pumalit kay Henry Omaga Diaz na nagpaalam sa TV Patrol noong Biyernes ng gabi para samahan ang kanyang pamilya sa Canada matapos ang ilang taon bilang ABS-CBN broadcast journalist at news anchor.

 “Ipinapangako po namin na hindi namin kayo iiwan at patuloy naming palalakasin at pagagandahin ang pagkalap ng balita at impormasyon para sa sambayanang Pilipino sa Pilipinas at sa buong mundo,” dagdag niya.

VENICE FILM FESTIVAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with