Mga nagkakalat ng deepfake photos at videos ng BINI, kakasuhan na

BINI

Nagbabala ang Star Magic na management ng Pinoy Pop girl group na BINI tungkol sa kumakalat na deepfake photos at video ng grupo sa social media.

Nakarating raw sa kanila ang tungkol sa mga kumakalat na malisyoso at edited na deepfake photos at videos online.

Mahigpit daw nilang kinokondena ang mga ganitong gawain. Gumawa na raw ng aksyon ang grupo nila para tanggalin ang ilan sa mga account nito. Nakikipagtulungan na rin daw sila sa government agencies at mga awtoridad para matukoy ang mga indibidwal na nasa likod nito at ituloy ang legal actions.

Ang kaligtasan at kapakanan daw ng BINI ang kanilang top priority kaya patuloy nilang imo-monitor at gagawa ng nararapat na hakbang kontra sa kahit anong klaseng exploitation o harassment.

Nag-alala rin ang mga tagahanga ng grupo dahil nakakaalarma na raw. Maaari raw isalpak ang mukha ng kahit sino sa kahit anong litrato o video. Meron na nga raw nag-edit ng mukha ng ilang miyembro ng girl group sa porn videos.

Sana nga raw ay may mahuli at makasuhan na ang gumawa nito.

Ang deepfake ay mga litrato at video na ine-edit o AI (artificial intelligence)-generated na mukhang makatotohanan.

Kaya ituloy ang pagkakaso sa mga nagkakalat ng mga pekeng materyal sa social media.

Show comments