Mikael at Megan, panay muna ang biyahe
Habang wala pang mga teleserye, sinusulit ng mag-asawang Mikael Daez at Megan Young ang kanilang pamamasyal sa ibang bansa.
Sa recent post ni Mikael sa Instagram, nasa Australia sila ni Megan na first time nilang napuntahan pareho.
“First time in Australia! Work has taken me and Boneezy all over the place these past few weeks. This final leg in Adelaide, Australia is the ‘vacation’ part of the schedule. It’s been fun looking for new coffee shops to visit and getting more warnings about kangaroos suddenly crossing the highway than I ever imagined just a couple more days here so if you have any recos, please let us know,” caption ni Mikael.
Huling napanood ang mag-asawa sa murder-mystery series na Royal Blood. Kasalukuyang napapanood si Mikael sa Running Man Philippines na malapit nang magtapos.
Former PBB housemate, tuloy ang pagiging dance coach sa BINI
Dati palang housemate ng Pinoy Big Brother ang dance coach/choreographer ng P-pop girl group na BINI na si Mickey Perz. Since 2018 ay siya na ang nagturo ng mga dance moves ng grupo.
Naging bahagi ng Pinoy Big Brother season 2 noong 2007 si Mickey. Doon din niya nakilala ang misis niyang si Gee-Ann Abrahan. Kinasal sila noong 2016 at meron na silang dalawang anak. Kelan lang ay bumisita sina Mickey at Gee-Ann sa PBB House kasama ang isang anak nila.
Second placer si Mickey at 4th naman si Gee-Ann sa finals ng PBB Season 2. Si Bea Saw ang naging winner.
Ang ibang ka-batch nila ay sina Wendy Valdez, Bodie Cruz, Bruce Quebral, Kian Kazemi, at Dionne Monsanto.
- Latest