May trauma si 2018 Miss Universe Catriona Gray sa naging karanasan sa London.
Sa kanya ngang Instagram story kahapon ay ipinakita niya ang photo ng sasakyan nilang ninakawan habang siya at ang kasama ay nasa isang restaurant.
“Robbed in the middle of London, whilst stopping for lunch on the way to the airport. Our passports and belongings—gone,” sabi niya sa caption.
Dagdag niya “Traumatized,” na may kasamang crying emoji.
Basag na bintana sa likuran ng kotse pagkatapos ng insidente ng pagnanakaw ang makikita sa kanyang photo.
Wala siyang ibang ibinigay na detalye pero obviously nang bumaba sila ng sasakyan, iniwan nila ang mga kagamitan nila sa kotse kasama na ang bag na may passport kaya natangay ito.
Bago ang post na ito ay ipinakita ni Catriona sa mga nauna niyang post ang pagkakaroon niya ng quality time sa kanyang mga magulang sa United Kingdom.
Nagkaroon pa sila ng roadtrip ‘from London through Scotland and back’ sabi niya sa isang post.
Binalikan din nila ang hometown ng kanyang ama sa Scotland na first time nilang ginawa since mag-immigrate ang ama sa Australia.
Aniya sa post, “Edinburgh, you have my heart.
It’s my first time in Scotland and my dads first time back to his homeland since he immigrated to Australia at the age of 7 back in 1952. And it’s like I’m discovering right alongside him - our heritages and family history. I’m so grateful to be able to do this trip with him.”
Anyway, ever since napabalitang wala na sila ng actor na si Sam Milby ay walang narinig sa dating beauty queen at maging sa actor.
Pero mapapansin sa kanyang mga post na mas naging abala siya sa pagbiyahe sa ibang bansa.
Anyway, habang sinusulat namin ito ay wala pa siyang update kung nakaalis na sila ng London since wala nga silang passport.
Matagal ang proseso sa pagkuha ng temporary passport sa ibang bansa.
Pelikulang Mamay, nagma-manifest sa MMFF
Touching pala ang kuwento ng Mamay: A Journey to Greatness, ang biopic ni Nunungan Lanao Del Norte Mayor Marcos Mamay.
Marami nga ang naantig nang magkaroon ng premiere night ang pelikula noong Agosto 27, Martes, sa SM Megamall Cinema 1.
Resilience and determination ang mensahe ng pelikula under the direction of Neal “Buboy” Tan.
Isinasalaysay ng pelikula ang mahirap na pagsisimula ng local chief executive sa kanyang pagbangon bilang isang public servant.
Pinagbibidahan ito ni Jeric Raval with Ara Mina bilang misis ng pulitiko na nakabangon sa pagbebenta ng ukay-ukay.
Ayon kay Mayor Mamay, ang kanyang biopic ay hindi lang isang pagpapakita ng buhay niya kundi gusto niyang maging inspirasyon at naglalayong hikayatin ang mga manonood na lampasan ang mga hadlang sa kanilang daan papunta sa tagumpay.
Binigyang-diin niya rin na habang ang kuwento ay nakabatay sa realidad ng kahirapan, ang pinakamahalagang mensahe nga ay ang bawat mga hamon ay hindi dapat hadlangan upang makamit ang pinapangarap ng isang tao.
Kaya idinidiin niya na hindi ito isang political film.
Aniya, ibinase ang script nito sa pananaw ng isang tao na matinding hirap ang dinanas sa buhay.
Aniya, huwag gawing dahilan ang pagiging mahirap para hindi makatapos ng pag-aaral at ang kahirapan ay hindi dapat maging hadlang.
Isang touching na eksena rito ay nang manganak ang misis niya na ginampanan ni Ara, sa isang dating kulungan ng baboy sila tumira dahil doon mura ang renta.
Wala silang nagawang mag-asawa noon kundi magtiis.
Mapapanood sa kabuuan ng pelikula ang iba’t ibang yugto ng buhay ni Mamay, kabilang ang kanyang mga pakikibaka bilang isang masipag na estudyante, ang kanyang hindi natupad na pangarap na makapasok sa Philippine Military Academy (PMA), at ang kanyang paglalakbay patungo sa public service.
“A Journey to Greatness is a testament to Mamay’s unwavering determination and reflects his deep commitment to his constituents, mirroring his real-life efforts to uplift his community,” ayon kay Direk Tan.
Nagpasalamat naman si Jeric Raval na ito ang kanyang naging full length comeback film.
“It was an honor to play such a resilient character. Mayor Mamay’s life is a testament to what one can achieve through hard work and perseverance.”
Kung magkakaroon ng chance, handa silang ipasok ito sa 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF) upang mas marami pang makapanood.
“The MMFF is highly anticipated and could share my life story to a wider audience. Regardless of the outcome, I hope the film will inspire viewers to chase their dreams and contribute to their communities,” aniya sa mga nag-interview after the premiere night.
Mahigit isang taon bago natapos ang pelikulang Mamay: A Journey to Greatness.