Korean actor, nahilig sa sisig

Two months na palang namamalagi sa Pilipinas ang Korean actor na si Kim Ji-soo. Nakadalawang serye na siya sa GMA na Black Rider at Abot-Kamay Na Pangarap.

Sa dalawang buwan na pananatili sa bansa, nagkaroon na ng paboritong pagkaing Pinoy si Kim Ji-soo, at ito ay ang sisig na may garlic rice.

Ayon pa sa kanya, gusto niyang masubukan ang iba pang mga lutong bahay ng mga Pilipino.

“My favorite is always sisig. Sisig with garlic rice is a good combination. And, I wanna try lutong bahay, home-made food,” sey pa niya.

Bukod sa pagkain, nagustuhan din ni Kim Ji-soo ang mainit na klima ng Pilipinas: “I’ve been here for a couple of months since I started Black Rider. I really love the Philippine weather, the hot weather.”

Glydel, matagal napahinga

Balik sa pagigiging kontrabida si Glydel Mercado sa upcoming Philippine adaptation ng hit Korean drama series na Shining Inheritance.

Matagal ding nagpahinga ang award-winning actress sa paggawa ng teleserye. Huli pa niyang nagawa ay Artikulo 247 noong 2022 pa.

Sa Shining Inheritance, gaganap siya bilang si Lani Vergara-Villarazon, ang madrasta na aapi kay Inna played by Kate Valdez.

First time makatrabaho ni Glydel ang young stars sa teleserye at bumilib siya sa husay ng mga ito.

Ben at Jennifer, walang prenup

Sa pag-file ni Jennifer Lopez ng divorce sa estranged husband na si Ben Affleck, hiniling nito na i-restore ang name niya na “Jennifer Lynn Lopez.”

Noong kinasal sila noong 2022, Jennifer changed her name to Jennifer Lynn Affleck.

Ni-request din ng 55-year-old singer-actress that “spousal support not be granted to either party and that each party pay their own lawyer fees.”

Dahil wala silang prenup, lahat nang na-acquire nila sa two years na pagsasama ay considered community property.

Lopez is worth a reported $400 million, dahil sa kanyang music, movie, and business ventures, while Ben is said to be worth about $150 million.

Show comments