Alam mo, Salve A., isa kami sa naniniwala na long-overdue na ang paggawad ng National Artist for Music award sa Filipino music icons na sina Pilita Corrales, Jose Mari Chan at ang yumaong composers na sina George Canseco at Willy Cruz.
Ang tinaguriang Asia’s Queen of Songs na si Pilita Corrales (85) ay isa rin sa maituturing na best Asian performer na mahigit anim na dekada niyang ginawa. Of course, hindi rin natatawaran ang mga kontribusyon nina Jose Mari Chan at ang mga yumao nang sina George Canseco at Willy Cruz na magkahiwalay na sumakabilang-buhay nung Nov. 19, 2004 at April 17, 2017 respectively.
Sana lamang ay naigagawad ang National Artist Award sa mga deserving individuals in various fields kapag sila’y buhay pa nang ma-enjoy naman nila ang parangal at kanilang premyo at insentibo.
Rachel Lobangco, naghahanap ng lovelife
Nasaan na ngayon ang dating sexy star ng Seiko Films na si Rachel Lobangco at ano ang pinagkakaabalahan nito ngayon?
Tinaguriang ‘Sh-boom girl’ matapos nitong gawin ang isang classic hit beer commercial nung 1988 kasama ang APO Hiking Society at ang yumaong actor-comedian at host na si Bert Marcelo. Ang nasabing TV commercial ay naging pasaporte ni Rachel para mapasok niya ang showbiz at maagap siyang kinontrata ng Seiko Films na pinamumunuan ng film producer and businessman na si Robbie Taon.
As early as 1996 ay huminto na si Rachel sa kanyang showbiz career para pagtuunan ng attention ang iba niyang interest. Sa loob ng pitong taon ay namirmihan siya ng Boracay at siya umano ang nag-introduce doon ng ‘fire dancing’ hanggang sa ito’y sumikat sa nasabing isla at siya ang tinaguriang “Fire Dancing Queen of Boracay.”
Just when she was enjoying her life in Boracay, kasama umano siya ng kanyang inang si Elvie Pineda at anak niyang si Leona Lobangco na-stuck sila sa Bangkok, Thailand during the pandemic na umabot ng dalawang taon. During this time, natuto umano siyang magluto, maglinis ng bahay at gumawa ng mga gawaing-bahay dahil wala naman silang katulong sa Bangkok. She was also prodded by her mom na mag-culinary specializing in Thai foods at maging productive ang kanilang pamamalagi sa Bangkok where her mom owns a house.
Nang simulan niya ang kanyang culinary course in Bangkok, unti-unti umano niya itong naging passion.
Nang bumalik na sa normal ang lahat, bumalik ng Pilipinas ang mag-iinang Elvie, Rachel and her daughter Leona at saka naman nila dini-velop ang Elvie Pineda Beauty and Wellness Farm in Tagaytay na meron na ngayong Thai restaurant and coffee shop na magkatulong na pinamamahalaan ng mag-inang Rachel at Leona, ang Khon Lek Thai Dining kung saan si Leona ang nag-introduce ng Thai specialty coffee. Si Rachel na mismo ang tumatayong chef ng Thai restaurant.
Matagal nang hiwalay si Rachel sa ama ni Leona pero nanatili silang magkaibigan hanggang ngayon habang regular naman ang bonding ng anak niyang si Leona sa ama nito laluna sa paglalaro ng tennis and golf.
“Asawa na lang ang kulang sa akin,” natatawang pahayag ni Rachel na hindi kasal sa kanyang ex-partner at ama ng kanyang anak.