Candy, nagka-shingles!

Candy

Na-diagnose na may sakit na shingles ang komedyante na si Candy Pangilinan.

Sa YouTube vlog ni Candy, kinuwento nito ang pagdiskubre ng kanyang dermatologist sa kanyang sakit at ang kanyang pag-isolate sa bahay para ‘di mahawa ang kanyang anak na si Quentin.

“I was supposed to be admitted in the hospital kasi po ang nangyari ay noong pumunta po ako, sa derma ako pumunta, akala ko problema sa skin lang kasi para akong may pimple. Medyo tinatamaan ‘yung eyes ko. Parang nahihilo ako, akala ko kailangan ko rin ng ophthalmologist. When the derma saw it, sabi niya, ‘Hindi ‘yan ano – It’s shingles.’ Agad niya akong binigyan ng reseta para sa shingles para mamatay ‘yung virus. Then, pinapunta akong ophtha kasi tinamaan ‘yung mata ko. Chineck agad kung may scratch ‘yung retina ko, baka mayroon din.”

Ayon sa mayoclinic.org, ang shingles ay “caused by the varicella-zoster virus – the same virus that causes chickenpox. After you’ve had chickenpox, the virus stays in your body for the rest of your life. Years later, the virus may reactivate as shingles.”

Imbes sa ospital, sa bahay na lang daw nag-quarantine si Candy.

Sa kanyang home office nagse-stay si Candy at kumpleto siya sa kanyang mga gamot. Kinakausap niya ang anak sa cellphone para nababalitaan niya ito sa kalagayan niya.

Jhong, may master’s na!

Natanggap na ni Jhong Hilario ang kanyang master’s degree mula sa World Citi Colleges (WCC) sa kursong Public Administration.

Sa Instagram ng It’s Showtime host, kasama nito sa kanyang graduation ceremony sa PICC ang partner na si Maia Azores at anak nilang si Sarina.

Noong 2023, nakatapos bilang magna cum laude si Jhong mula sa Arellano University, sa kursong Political Science.

HOLLYWOOD ACTOR ARMIE HAMMER, ‘DI NA AFFORD ANG GAS

Nagkaroon ng backlash sa Hollywood career ni Armie Hammer ang pagkakasangkot niya sa issue na pananakit at pang-aabuso sa babae at sa issue na isa siyang cannibal.

Kahit na naabsuwelto siya sa mga ikinaso sa kanya sa korte, walang producer in Hollywood na gusto siyang makatrabaho.

Kelan lang ay pinost ng aktor na binebenta na niya ang kanyang mamahaling pickup truck dahil ‘di na niya ma-afford ang gas.

Nag-turn 38 si Hammer last Aug. 28 at magsimula raw siya ulit. Ang ginagamit na niyang sasakyan ay hybrid na ‘di kailangan ng gasolina.

Nakilala si Hammer sa mga pelikulang The Social Network, The Lone Ranger, The Man From U. N.C.L.E., Call Me By Your Name, Nocturnal Animals, Mirror Mirror and Death On The Nile.

Show comments