^

Pang Movies

Nora, binabalik-balikan ang nangyari sa kanyang boses

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Nora, binabalik-balikan ang nangyari sa kanyang boses
Nora

Bakit paulit-ulit na naba­banggit ang pagkaka-opera kay Nora Aunor sa Japan na siyang dahilan kung bakit nasira ang kanyang boses? Ang alam namin nagkaroon na ng resolusyon sa problemang iyan, nagdemandahan na sila at nagbayad naman daw ang mga doktor na nakadisgrasya sa boses niya, bagama’t hindi nila inaaming nadisgrasya iyon kundi isang emergency at ginawa nila ang nararapat.

Pero may mga espesyalistang doktor sa Pilipinas na nagsasabing ok na iyong nakakapagsalita siya, hindi na rin naman maibabalik ang boses niya dahil may edad na siya. Natural lang sa may edad na magbabago na ang boses imposible namang sa edad niya ngayon ay maibalik pa ang boses niya noong bata pa siya.

Ang malungkot lang ngayon, minsan ay garalgal na rin ang boses ni Nora Aunor kahit na nagsasalita lamang siya, at dahil may tama na rin ang lungs nahihirapan na siya talagang huminga kaya kailangang lagi siyang may baong oxygen.

Kaya wala na ngang magagawa sa boses ni Nora, kailangan na lang niyang pasalamat maayos pa ang buhay niya sa kasalukuyan.

AJ, mas prioridad na ang eskwelahan

Nag-deny ang sexy star na si AJ Raval sa sinasabing baby nila ni Aljur Abrenica na kasama nila sa pamamasyal. Hindi raw totoo na anak nila iyon. Nilinaw naman ng tatay ni AJ na apo niya ang batang kasama ng mag-syota, anak daw iyon ng isa niyang anak na si Ace, hindi anak ni AJ. Pinanindigan ni Jeric Raval na wala pang anak si AJ.

Sinabi ni AJ na kaya matagal siyang hindi visible ay dahil itinuloy niya ang kanyang pag-aaral.

Gusto nga rin daw niyang mapaghandaan ang kanyang kinabukasan at sinabi niyang tatalikuran na niya nang tuluyan ang pagiging bold star. May panahong siya ang star ng mga pelikula ng Vivamax.

Good for her. At least habang maaga ay nadiskubre niya ang importansya ng edukasyon.

Akusado sa kaso ni Sandro, pinalabas sa Senado

Pinakawalan na mula sa detention cell ng Senado si Jojo Nones matapos na humingi ng paumanhin kay Senador Jinggoy Estrada. Si Nones ay nakulong matapos na i-cite ng Senador ng contempt dahil sa paulit-ulit niyang pagtangging sumagot sa mga katanungan sa imbestigasyon ng senado, at sinasabing baka makaapekto kung ano man ang kanyang sasabihin sa kanilang depensa sa korte. Si Nones ang niratrat ng tanong sa imbestigasyon ng Senado dahil sinasabing si Richard Dode Cruz ay kailangang ma-confine sa ospital dahil sa anxiety. Siguro nga naapektuhan siya ng malakas na public opinion laban sa kanila.

Pinatawad naman ni Senador Jinggoy si Nones, na haharap naman ngayon sa kasong kriminal na isinampa laban sa kanila ni Sandro Muhlach sa korte.

vuukle comment

NORA AUNOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with