^

Pang Movies

Martin at Pops, may pinaghahandaan sa araw ng mga puso

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
Martin at Pops, may pinaghahandaan sa araw ng mga puso
Martin at Pops

Kaarawan kahapon, Aug. 27, ng OPM icon na si Ogie Alcasid, mister ng isa pang music icon, ang Asia’s Songbird, Regine Velasquez-Alcasid.

Bago ang kanyang 57th birthday ay humarap si Ogie along with the Concert King na si Martin Nievera at sister-manager ni Regine na si Cacai Velasquez-Mitra sa isang mediacon na ginanap sa SkyBar ng bagong bukas na Solaire North. Dito ay inanunsyo ang nalalapit na major concert at pagbabalik ni Martin sa Big Dome sa darating na Sept. 27, 2024 billed as The King 4Ever with Louie Ocampo as musical director na pamamahalan on stage ni Paulo Valenciano kasama si Frank Lloyd Mamaril as TV director. Ito bale ang magsisilbing 42nd anniversary concert ni Martin sa music industry.

Magiging special guest performers sa The King 4Ever ang kanyang ex-wife, si Pops Fernandez, Regine Velasquez, Mr. Pure Energy Gary Valenciano and an array of others na mga kasamahan din sila na top-rating and longest-running musical show on TV, ang ASAP Natin `To.

During the presscon, inamin ni Martin na sobra siyang nagpapasalamat kina Ogie ng A-Team, Cacai at iba pang producer. Matagal-tagal na rin kasing panahon na hindi bumabalik si Martin sa Araneta Coliseum topbilling a major concert.

Although hindi pa ito official naia-announce, isa ring major Valentine concert in a major venue in 2025 ang pagsasamahan nina Martin at Pops which will be produced by Pops’ DSL Productions and other co-producers.

Stars 66, bumuo ng grupo

Among the Stars 66 na ipinakilala noong dekada sisenta ng Sampaguita Pictures na pinamunuan ng mag-asawang Dr. Jose Perez at Azucena Vera-Perez, apat na sa mga ito ang pumanaw, sina Dindo Fernando, Edgar Salcedo, Ramil Rodriguez at Loretta Marquez. Nasa Amerika sina Rosemarie Sonora, Blanca Gomez, Shirley Gorospe habang nasa Pilipinas naman sina Gina Pareño at Pepito Rodriquez with Gina as the only one left active.

In our recent encounter with Pepito na nag-focus na sa kanilang family business after he stopped from showbiz, sinabi nito sa amin na kung may pagkakataon na may magtiwala pa sa kanya ng proyekto either sa TV or pelikula ay malugod umano niya itong tatanggapin hangga’t kaya pa niya.

Although nami-miss niya ang muling humarap sa kamera at umarte, ang kanyang oras ay okupado sa pagpapatakbo ng negosyo. But he is in touch sa kanyang mga dating kasamahan sa industriya at sa tulong ni Pempe Rodrigo ay nabuo ang Balik Samahan na binubuo ng mga datihan at mga baguhang artista.

In touch din si Pepito sa kanyang dating ka-loveteam sa Sampaguita Pictures na si Rosemarie Sonora maging kina Blanca Gomez, Shirley, Bert Leroy at iba pa na nasa America. Si Rosemarie ay ina ng singer-actress na si Sheryl Cruz at nakababatang kapatid ng namayapang movie queen na si Susan Roces.

Caloy, hindi pa lumalambot ang puso sa pamilya

Alam mo, Salve A., hanggang ngayon ay inaabangan pa rin ng netizens at ng publiko ang inaasam na reconciliation ng two-time Paris Olympic gold medalist na si Carlos Yulo sa kanyang nakatampuhang inang si Angelica Yulo.

Although euphoric pa rin ang pakiramdam ni Carlos hanggang ngayon dahil sa sunud-sunod na blessings and incentives na patuloy na dumarating sa kanya, dapat huwag niyang isantabi ang kanyang pamilya kung saan siya nagsimula.

Kung mahal niya ang kanyang kasintahang si Chloe San Jose na siyang kasa-kasama niya ngayon, huwag niyang isantabi ang pagmamahal sa kanyang sariling pamilya na naghihintay na sila’y mabuong muli.

Kilala si Caloy sa pagiging mabait at maka-Diyos na anak. Ipakita niya ito sa pakikipag-ayos sa kanyang ina na humingi na ng tawad sa kanya.

vuukle comment

OGIE ALCASID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with