Female celeb at mga kalaban, malabong magkaayos

Pangmalakihan ang hinihingi ng isang female celeb na sangkot sa isang on-going case kalaban ang mga bigatin sa showbiz.

Eh may apologies na nga, gusto pa ni female celeb na bawiin ng mga kalaban ang pinagsasabi nila at heto pa, datung para sa da­mages, huh!

Kasalukuyan pang inaayos ng korte ang dalawang panig. Eh sa rami at laki ng gusto ni female celeb, mukhang malabong magkakaayos ang dalawang kampo, huh!

Na-Pressure…

Na-pressure tila ang nasa likod at artista ng bagong movie ng Mavx Productions na Dear Satan, huh!

Nagbigay nang kanyang panig ang bida ng movie na si Paolo Contis tungkol sa buod ng movie upang mapaliwanagan ang mga netizens na hindi nagustuhan ang title.

May nagsasabi namang panoorin ang movie bago husgahan.

Wala pang final title ang movie matapos maglabas ng official statement ang Mavx Productions!

Show comments