^

Pang Movies

Say ng source...ligawan ng KathDen, pang-socmed lang!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Say ng source...ligawan ng KathDen, pang-socmed lang!
Kathryn Bernardo at Alden Richards

May isa kaming source na nagsabi na huwag daw kaming maniniwala sa ligawang KathDen. Maaaring ok silang magkatambal sa pelikula, pero wala raw talagang ligawang nangyayari at mukhang pang-social media lang ang ligawan nila.

Hindi raw totoo na sinamantala ni Alden Richards ang pakikipag-split ni Kathryn Bernardo kay Daniel Padilla. Nagkataon lang na matapos ang split ng dalawa binalak na ang pagtatambal nilang muli dahil siyempre nawala na ang sure fire formula ng love team ni Kathryn kaya magsusugal pa ba sila sa ibang artista? Siyempre ang kukunin nila ay iyong subok nang kakagatin ng tao basta nakatambal ni Kathryn at si Alden na nga iyon.

So there.

CCTV footage ni sandro, may fake version!

Tama ba at masasabing ang CCTV footage na inilabas ng NBI noong isang araw ay isang katunayan ngang si Sandro Muhlach ay ginahasa ng dalawang bakla?

Ang daming fake news na naglalabasan ngayon sa social media na akala mo alam na alam nila ang nangyari kay Sandro Muhlach. Akala mo nangumpisal na sa kanila si Sandro, ganoong sa totoo lang maliban sa mga imbestigador ng NBI at sa mga psychologist ng nasabing ahensiya ay wala pang diretsong nakakausap si Sandro tungkol sa nangyari sa kanya.

May nagsasabi naman na sa CCTV footage ay mahahalata mong na-trauma nga si Sandro pero hindi nangangahulugan iyon na naabuso siya. Maaaring may pagtatangka lang pero natuloy ba? Maliwanag sa time stamp ng CCTV footage na tumagal lamang si Sandro nang mahigit na dalawang oras sa loob ng kuwarto sa hotel nina Jojo Nones at Richard Cruz. Pero kung iisipin din maraming maaaring mangyari sa loob ng dalawang oras.

Hintayin natin kung ano ang mangyayari sa korte at sana naman ay manaig ang katotohanan at maparusahan ang mga nagkasala.

Julia, ‘di takot sa baboy

Nagulat kami nang may statement si Julia Montes na hindi raw masama ang kumain ng baboy. Inamin naman niya na siya ay mahilig sa lechon at hindi siya natatakot na kumain ng baboy.

Iyong sinabi ni Julia ay maganda nga siguro para sa maliliit na hog raisers na nahihirapan ngayong magbenta ng kanilang mga alaga dahil sa takot ng tao sa African swine flu. Dahil din diyan lalong tumaas ang presyo ng baka at manok.

Caloy, in love to death kay Chloe

Talagang in love si Carlos Yulo sa kanyang syotang si Chloe San Jose at hindi nga niya napigilan ang tila nanggigigil pang papuri dito sa kanyang social media post.

Ano man ang sabihin ng bashers laban kay Chloe hindi natin maikakaila na sa ngayon talagang in love sa kanya ang syotang Olympian kaya para lang kayong nagsasalita sa hangin, ano man ang sabihin ninyo, pakikinggan ba kayo ni Caloy?

Kung iyong nanay niya ayaw rin kay Chloe, eh nakinig ba si Carlos?

Mahirap mong banggain ang tibok ng puso.Pabayaan na lang ninyo sila darating din ang araw kung hindi na ganyan katindi ang attraction nila sa isa’t isa, lalabas din kung ano ang totoo.

Showbiz gay, may souvenir sa starlet na hubo’t hubad

Papaano nga ba maikakaila ng isang male starlet na siya ay naging boytoy rin ng isang showbiz gay? Doon sa bahay mismo ng showbiz gay ay nakasabit pa sa loob ng bedroom noon ang isang blow up kung saan magkasama ang gay at ang starlet pero ang kakatuwa ang starlet ay hubo’t hubad sa picture.

“Puwede ba siyang hindi pumayag eh bayad siya, at hindi lang isa ang picture na iyan. Marami dahil sa tuwing magde-date kami noon talagang nagse-selfie kami na hubo siya. May mga video pa nga siya sa a­king may mga picture pa nga siya na naka-underwear lang at ang underwear na suot niya ay nasa akin din at part ng aking collection. Bayad siya at ang mga picture at video ang katunayan na hindi ko siya pinilit hindi siya kagaya ni Sandro Muhlach na napilitan lang. At alam ko hindi lang naman ako ang inasahan niya, marami rin siyang mga baklang sinasamahan ang lamang ko nga lang may ebidensiya akong nakuha,” sabi ng showbiz gay.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with