^

Pang Movies

Willie, binabaan ng telepono ang contestant na si Dingdong ang tinututukan!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Willie, binabaan ng telepono ang contestant na si Dingdong ang tinututukan!
Willie Revillame

Sang-ayon ang viewers sa ginawa ni Willie Revillame na babaan ng phone ang kausap sa telepono na sumulat sa show niyang Wil to Win para sumali sa contest para manalo ng pera. Habang kausap ang dapat sana’y winner, narinig ni Willie na Family Feud ni Dingdong Dantes ang pinapanood nito, kaya binaba ang telepono.

May mga nanghinayang sa pinalampas ng caller na chance ng manalo ng pera na ang premyo ay mula P10K to P50K. Saka, bakit daw hindi nito nabosesan na si Willie ang kanyang kausap para sana mabilis niyang nailipat sa TV5 ang pinapanood o kaya’y na-off para wala itong narinig.

May mga nagsabi naman na kung gusto talaga ni Willie na tumulong, kahit katapat ng kanyang show ang pinapanood, binigyan pa rin niya ng chance ang caller to join the contest. Kaya lang, mas marami ang pabor sa ginawa niya na babaan ng phone ang caller dahil unfair sa ibang caller na nanonood ng WTW.

Paolo, pinag-usapan sa Satan

Ni-like ni Paolo Contis ang pinost ng Mavx Productions na may kinalaman sa movie title ng sa Dear Satan bida sina Paolo at ang child star na si Sienna Stevens.

Nag-sorry ang Mavx Productions sa mga na-offend at nakaramdam ng discomfort.

Ipinaliwanag din sa open letter na ang concept ng movie ay para ipakita ang good versus evil sa paningin at perception ng isang bata. Kaya lang, marami nga ang nag-react at hinusgahan na ang pelikula. Hindi raw ito kikita dahil negative ang dating ng title pa lang.

Maganda ang trailer ng movie, early Christmas treat sa mga bata dahil showing sa Sept. 18.

Robin, proud sa aksyon ni Daniel!

Ni-repost ni Sen. Robin Padilla ang teaser ng Incognito na isa sa mga bida ang pamangkin niyang si Daniel Padilla.

Noon pa raw sinasabi ni Robin kay Daniel na gumawa ng action movies at natupad na rito sa Incognito.

Short teaser pa lang ang ipinakita ng Star Creatives at ABS-CBN at ipinakita pa lang si Daniel na may hawak na long arm, excited na ang kanyang fans. Gusto na nilang mapanood ang series na this year na ang premiere.

Napansin lang ng netizens, eksena lang niya ang ni-repost ni Robin, hindi isinali ang ibang mga bida na sina Ian Veneracion, Baron Geisler, Kaila Estrada, Maris Racal, Anthony Jennings at Richard Gutierrez.

vuukle comment

WILLIE REVILLAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with