^

Pang Movies

Jodi, umuuwing may mga pasa

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Jodi, umuuwing may mga pasa
Jodi Sta. Maria

Isa na namang kaabang-abang na primetime TV series ng ABS-CBN ang tutukan ng mga televie­wers sa pamamagitan ng Lavender Fields na muling pagbibidahan ng pinakabagong Drama Queen na si Jodi Sta. Maria kasama ang Drama Prince na si Jericho Rosales at Drama Princess na si Janine Gutierrez with the Diamond Star na si Maricel Rosario.

Nung nakaraang Sabado ng hapon, isang enggrandeng red carpet premiere launch ng Lavender Fields ang isinagawa sa Cinema 11 ng bagong bukas na Gateway 2 in Quezon City na dinaluhan ng lead stars at ibang bumubuo ng cast, creative team, directors, ABS-CBN bosses at iba pang mga bisita.

Ipinasilip sa premiere launch ang two-week episode ng serye na talaga namang tututukan ng mga manonood.

First time ni Jodi na sasabak sa mga action scenes at sobrang kakaiba ang kanyang character, ang transformation ng isang simpleng probinsyanang si Justin Flores to a confident, fierce, modern and wealthy Lavender Fields.

Ayon kay Jodi, bago pa man niya sinimulan ang taping nito ay sumailalim siya ng training sa mga action and fight scenes at meron silang action stunts director each time na may mga action scenes silang kukunan.

Inamin ng Asian Academy Creative Awards Best Actress na isa umano ito sa pinakamahirap na role na kanyang ginampanan dahil bukod sa mga heavy drama scenes, marami siyang action scenes na first time niya ginawa.

“After taping, madalas akong umuuwi na may mga pasa sa katawan,” kuwento pa niya. “But that’s part of the role na aking ginagampanan,” dugtong pa niya.

As much as possible, ayaw niya na may ka-double sa kanyang mga action stunts at siya mismo ang gumagawa.

vuukle comment

JODI STA. MARIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with