^

Pang Movies

Bela, binasag ang ‘doesn’t suit you’ sa Showtime

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Bela, binasag ang �doesn�t suit you� sa Showtime
Bela Padilla.
STAR/ File

Binasag ni Bela Padilla ang komento ng netizen na hindi siya bagay sa grupo ni Vice Ganda – referring to It’s Showtime. Nakikita raw nila si Bela bilang isang mas matalinong artista at filmmaker.

Say nga ng isang follower niya “ I saw you on that show with vice ganda n her gang. I have to say it doesn’t suit you. You come across as a smarter actress and intelligent filmmaker. All these nonsense show with their stupid cheap jokes at the expense of their guests is not you. I’m just saying.”

Pero supalpal ito kay Bela : “I totally disagree. If one is truly smart, they can adapt to any environment,? I always have the best time when I’m on showtime…I genuinely love talking to people and making them laugh and I am self deprecating enough to be laughed at too so it goes both ways…I’ve been regularly visiting showtime since 2017 and I’m lucky that Vice and “her gang” always make me feel welcome and never oblige me to let go of what I really am, which is a filmmaker,” on point na sagot ng actress / director sa naglabas ng opinion.

Paminsan-minsan ay napapanood si Bela sa It’s Showtime bilang isang guest host.

Na ikinakampanya ng kanyang online fans na maging regular na sana siya sa nasabing noontime show dahil ang bilis nga niyang nag-blend sa iba pang mga host.

May mga nag-assume pa na magiging regular na nga ito dahil parehong magiging busy sina Anne Curtis and Kim Chiu.

Si Anne sa local adoptation ng It’s Ok To Not Be Ok habang si Kim ay ginagawa ang My Love Will Make You Disappear with Paulo Avelino.

Richard, Daniel at Maris, nagdadamayan?

“Ano to nagsama-sama mga iniwanan ng mga jowa at karelasyon!?,” ang ilan sa reaction sa teaser ng teleseryeng Incognito na pagbibidahan nina Ri­chard Gutierrez and Daniel Padilla among others kung saan kasama rin si Maris Racal.

Trot naman dahil common knowledge na kakahiwalay lang nilang tatlo sa kani-kanilang karelasyon tho hitsura namang naka-move on na sila kina Sarah Lahbati, Kathryn Bernardo and Rico Blanco.

Anyway, unang nagkasama sina Ri­chard at Daniel sa 2018 fantasy drama na La Luna Sangre.

Babalikan ni Daniel ang teleserye pagkatapos ng dalawang taon. Huli siyang nagbida sa romantic drama na 2 Good 2 Be True (2022) katambal ang dati niyang on-screen at real-life partner na si Kathryn Bernardo.

Si Richard naman ay huling napanood sa Iron Heart.

Carlos at Chloe, honeymooners sa mamahaling condo

Honeymooners ang peg ng mag-jowang sina double Olympic gold medalist Carlos Yulo at Chloe San Jose sa condo unit ni Carlos na kasama sa mga natanggap niyang premyo.

Ito ang naramdamang vibe ng netizens sa mag-jowa sa mga TikTok video ng social media personality na si Chloe.

May video na nagsi-singalong siya habang nakahiga sa kanyang lap ang gymnast na hinimas-himas niya ang ulo.

In all fairness kay Chloe, sumi-singer siya.

As of this writing, almost 5 million views na ‘yun.

Pero ‘yun nga, pumapasok din ang moral values issue dahil ba’t daw ganun, asan ang ugaling Pinoy ni Carlos na kinakalimutan ang mga magulang habang nagsasama sila sa bonggang condo ng karelasyong influencer.

Anyway, nauna na ngang sinabi ni former governor Chavit Singson na hindi ma-contact ng mga magulang niya si Carlos.

Kaya ang hamon ng pulitiko / negos­yante, “Ipakita mo na role model ka.”

Nauna nang nakausap ng dating pulitiko ang pamilya ni Carlos. “Sampu lahat sila. Nanay, tatay niya, mga kapatid niya. ‘Di na raw nila makontak. So nakiusap ako kay Caloy kung marinig man niya, pamilya mo muna dahil wala ka naman dyan kung hindi sa kanila. So ako, hindi sa nakuha mong gold kako, ‘yung ibibigay kong 5 milyon dagdag lang sa pamilya n’yo, sa’yo rin. Pero gusto kong magbati silang pamilya,” paliwanag ni Mr. Singson.

Tularan daw sana niya si Pambansang Kamao Manny Pacquiao na malaki ang paggalang sa inang si Mommy Dionisia.

vuukle comment

BELLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with