^

Pang Movies

Jodi, ‘di pa rin mailantad si Raymart!

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
Jodi, �di pa rin mailantad si Raymart!
Jodi

Sa major cast ng Tabing Ilog series ng ABS-CBN (1999-2003), sina John Lloyd Cruz, Jodi Sta. Maria, Baron Geisler, Paolo Contis, Patrick Garcia, Desiree del valle at Kaye Abad Castillo na lamang ang masasabing aktibo sa showbiz dahil matagal-tagal na ring panahong tumigil sa kanyang showbiz career si Paula Peralejo. Habang priority naman kay Kaye (na naka-base na ngayon in Cebu with her family) ang kanyang pamilya although tumatanggap pa rin ito ng proyekto every once in a while.

On a semi-active mode ngayon si John Lloyd, ratsada naman ngayon ang respective careers nina Jodi, Baron at Paolo na pare-parehong mahuhusay pagdating sa aktingan.

Sa kanilang grupo, masasabi na kakaiba ang sipa ng karera ni Jodi na kinu-consider na isa sa pinakamagaling sa kanyang henerasyon.

Ang career niya ay umalagwa nang husto nang kanyang gawin ang mor­ning light family drama series na Be Careful with My Heart na pinagtambalan nila ng baguhang actor pa noon na si Richard Yap.

Bukod sa team-up nila sa telebisyon at pelikula, unti-unting hinubog ang Kapamilya actress sa direction ng pagiging isang mahusay na actress base na rin sa mga proyektong ipinagkatiwala sa kanya. Nariyan ang Pangako Sa ‘Yo, Sana Dalawa ang Puso, My Single Lady, Ang Iyo ay Akin, The Broken Marriage Vow at ang unang joint venture ng ABS-CBN at GMA, ang Unbreak My Heart na ipinalabas mismo sa GMA at sa Viu streaming app.

Ngayong 2024 ay isa na namang kakaibang Jodi Sta. Maria ang aabangan sa much-awaited action-drama series na Lavender Fields.

Jodi is a fulfilled woman. Hindi man nag-work ang kanyang marriage, hindi niya ito ginawang hindrance para mag-grow bilang tao at bilang isang mahusay na aktres. Maganda rin ang kanyang relasyon sa kanyang ex-husband na si Pampi Lacson, sa longtime partner nitong si Iwa Moto at sa dalawa nilang anak. Mahusay rin niyang napalaki ang kanyang kaisa-isang anak na si Thirdy, habang tahimik lamang ang kanyang relasyon ng boyfriend ngayon, ang actor na si Raymart Santiago, ex-husband ng actress na si Claudine Barretto.

vuukle comment

JODI STA. MARIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with