^

Pang Movies

Robert, ‘di nalimutan ang katarayan ni Carmina

SO CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Robert, �di nalimutan ang katarayan ni Carmina
Carmina

Inamin ng actor-turned politician na si Robert Ortega na binalak niyang ligawan noon si Carmina Villarroel noong magka-loveteam sila sa Regal Films.

Kaso nga lang daw ay ang hirap daw pormahan ni Mina noon. “Pinag-isipan ko rin, inaamin ko. Ang hirap ligawan si Mina kasi noong bata siya, ang taray-taray. Tapos laging nasa likod ang Tita April mo at si Tita Menchu, at si Tita Rhea n’yo nakatago sa likod ‘yan. Paano mo lalapitan ‘to, bantay-sarado,” tawa pa ni Robert.

Unang nagtambal sina Mina at Robert sa pelikulang Pinulot Ka Lang Sa Lupa noong 1987. Nasundan ito ng Dyesebel, Magic To Love, Bobo Cop at Anak Ni Janice.

“Ang sarap lang mag-reminisce kasi parang kahit nagka-love team-love team parang never nagkaroon... hindi tayo naging awkward sa isa’t isa. Siguro nga kasi it was just plain friendship,” sey naman ni Mina na nag-turn 49 noong Aug. 17.

Maria Ozawa, nagsalita sa breakup nila ni Chef Jose

Kinuwento na ni Maria Ozawa ang dahilan kung bakit sila naghiwalay ng celebrity chef na si Jose Sarasola after five years na magkarelasyon.

Sinabi ng former Japanese adult film star na marami siyang natutuhan nang panahon na magkasama sila ni Jose dahil sa pagkakaiba ang kultura ng mga Pinoy at Hapon.

“I think he understood more about Japanese culture. I understand more about his culture, which is Filipino culture. Which is good but which was hard also because everything is different, in relationship-wise or business-wise. It was just hard to blend in,” sey ni Maria.

Wala raw third party sa kanilang hiwalayan ni Jose at maayos nilang napagkasunduan na tapusin na lang ang kanilang relasyon.

“I went back to Japan because of the pandemic. And when I went back that time I didn’t know when I could come back to the Philippines and there’s no way any foreigners would be able to come to Japan. So it was just like a mutual decision and we talked about it and we decided to break up ‘cause we didn’t see any future, I mean like we didn’t know what to do about it,” paliwanag ni Maria na napapanood sa Pulang Araw ng GMA Prime.

J.Lo at Ben Affleck, walang pre-nup

Nag-file ng divorce si Jennifer Lopez sa mismong second anniversary ng kasal nila ni Ben Affleck.

Ayon sa report ng TMZ: “Jennifer filed pro per, meaning by herself and without an attorney. She lists the date of separation as April 26, 2024. The couple got married in Las Vegas on July 16, 2022. August 20 was their grand wedding in Georgia.”

Wala palang prenuptial agreement ang dalawa. Kaya lahat ng kinita ng estranged couple sa two years ng marriage nila ay community property.

Pang-apat na kasal na ito ni Jennifer at pangalawa kay Ben. Inakala nila na forever ang pagsasama nila na hindi nangyari.

vuukle comment

CARMINA VILLARROEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with