Kung identified sa character na Doña Buding ang singer, actress-comedienne na si Nanette Inventor, gusto nitong ibalik ang credit sa itinuturing niyang genius, ang award-winning writer-director at kasalukuyang President-CEO ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) at dating university professor and chairman of the Film Program of the School of New Media, De La Salle College of Saint Benilde na si Jose Javier Reyes who created the character of Doña Buding.
Ayon kay Nanette, aksidente lamang umano ang kanyang character na Doña Buding at ang pagkakapasok niya noon sa Penthouse Live hosted by then couple Martin Nievera and Pops Fernandez.
Ang singer-actress-comedienne na si Cynthia Patag ang may monologue segment noon sa Penthouse Live pero nang siya’y ma-involve sa isang car accident, kailangan ng kanyang immediate replacement at dito naisip si Nanette na agad ginawan ni Direk Joey ng character at script. Ang executive producer ng show noon ay ang singer-actor na si Ronnie Henares na agad sumang-ayon na i-audition si Nanette sa harap ng director ng programa na si Fritz Ynfante at bosses ng GMA.
Aminado siya na sobra umano siyang kinabahan sa audition na first time niyang ginawa. When she delivered the first two lines, agad sumang-ayon si Direk Fritz but Nanette insisted na tapusin niya ang monologue na lalong ikinatuwa ng director at ng bosses ng Kapuso network at kasunod na rito ang pagsalangniya for the first time sa The Penthouse Live.
Ang nasabing monologue segment ay nakadagdag ng viewership ng programa noon na tumagal din ng ilang taon.
“Hanggang ngayon ay Doña Buding pa rin ang tawag sa akin ng maraming tao,” pahayag ni Nanette nang ito’y makapanayam namin sa aming online show, ang TicTAlK with Aster Amoyo on my YouTube channel.
“Although I am, foremost, a singer, napakalaki ng naitulong sa akin ng aking Doña Buding character,” pag-amin pa ng nagpasikat na awiting Salamat, Salamat, Musika.
Nanette is being co-managed ng Stages at Viva Artists Agency and is raring for a showbiz comeback.