^

Pang Movies

Kim magpapasikat, 2 buwang naghanda

Pang-masa
Kim magpapasikat, 2 buwang naghanda
Kim Chiu

MANILA, Philippines — Kasabay ng pagdiriwang ng ika-15 na anibersaryo, inanunsyo na ng It’s Showtime ang mga grupo ng hosts para sa pinakahihintay na Magpasikat 2024 na ipapalabas sa Oktubre 21 hanggang 25.

Sisimulan nina Vice Ganda, Karylle, at Ryan Bang ang weeklong Magpasikat performances. Susunod naman sina Ogie Alcasid, Kim Chiu, MC at Lassy na magtatanghal sa Martes. Sa Miyerkules sina Vhong Navarro, Amy Perez, Darren Espanto at Ion Perez. Sa Huwebes naman sina Anne Curtis, Jugs Jugueta at Teddy Corpuz. At huling magtatanghal sina Jhong Hilario, Jackie Gonzaga at Cianne Dominguez.

“First time in 15 years na Lunes ako magpe-perform. I will make sure that the bar that we will set gives you anxiety. Tataasan natin ‘yang bar na ‘yan,” sabi ni Vice sa kanyang mga co-host sa panayam ng TV Patrol.

Ayon kay Kim Chiu, bongga ang kanilang performances dahil dalawang buwan umano nila itong paghahandaan.

Ibinahagi rin ni Darren Espanto ang nararamdaman sa pagsali sa Magpasikat sa unang pagkakataon.

“I never would’ve imagined na magiging parte ako ng Magpasikat teams. Dati nag-guest lang ako, then naging hurado. It’s something na I’m looking forward to. Kinakabahan but at the same time very excited,” pahayag ni Darren.

Samantala, ipinagdiwang din ng Showtime Online U ang ika-walong anibersaryo nito. Nagtanghal ang mga host nito sa opening ng It’s Showtime.

“Kasi hindi lang naman tayo umeere sa tele­bisyon. Malaking bagay na merong nanonood sa atin sa digital. You keep them entertained, you keep them cool. Kaya mara­ming maraming salamat,” sabi ni Vice.

Ang Showtime Online U ay binubuo nina Wize Estabillo, AC Soriano, Nicki Morena, Lorraine Galvez, JM Dela Cerna, Marielle Montellano, Anthony Castillo, Anne Tenorio, Jannah Alanise, at Mackie Empuerto, Sheena Belarmino, at Eris Aragoza.

Pinasalamatan ng hosts ang kanilang loyal viewers na sumusuporta pa rin sa kanila hanggang ngayon.

“Thank you so much po sa mga nagtiwala sa amin. Alam namin ‘yung mga tiwalang binigay niyo sa amin kaya papangatawanan namin ‘yan every single day na bibigyan kami ng schedule dito. Lahat ng mga kwentuhan dito sobrang special ‘yun for me,” pagbabahagi ni AC.

Inilunsad din ang Showtime Online U ng bagong segment na MagpaCHIKA, kung saan mapapanood ang updates tungkol sa paghahanda para sa Magpasikat 2024. Ipinasilip na ng SOU ang screenshot galing sa group chat nina Ogie, Kim, Lassy, at MC noong Martes.

Panoorin sa It’s Showtime, tuwing 12:00 p.m. sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, GMA, GTV, Kapamilya Online Live, ABS-CBN Entertainment YouTube channel at Facebook page, at sa iWantTFC, TFC, at GMA Pinoy TV. Panoorin din ang online show nila na Showtime Online U, sa YouTube channel ng It’s Showtime.

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with